CHAPTER 32: IN ANOTHER HOUSEHOLD

377 9 2
                                    

Ter's POV

It's been 1 week since I got assigned to be Meredith's watcher and I never left her house and continue to watch over her kid.

His name is Edward and we've been doing great together. I think he likes me.

Binabasa ko ngayon ang paborito niyang storybook habang hinihintay namin si Meredith para makakain na kami ng dinner.

"Duck." Sabay turo niya sa picture ng pato.

"Right. In Filipino that is 'pato' can you say it? Pato."

"P-Pato."

"Right." Sabay ngiti ko at palakpak.

Nasa pagitan siya ng hita ko habang nakaupo kami sa sahig. Kapag ganito siya kadikit sa akin ay di ko maiwasang maalala si Camilla at Ceres.

Will our child be a girl or boy?

Whatever it is, I'll accept it. Will be the best of friends and I'm going to read them bedtime stories before they go to sleep.

Nang bumukas ang pinto ay alam ko na agad na si Meredith iyon. Agad namang tumayo si Edward para salubungin ang mama niya.

"Mama!"

"Edward!" Agad na niyakap ni Meredith ang anak niya at napatingin sa akin.

Ngumiti naman ako sa kanya. Tumango siya. Di parin niya ako pinagkakatiwalaan.

Tumayo ako at pumunta sa kusina para ihanda ang mga pagkain na niluto ko.

"Let's eat." Sabi ko nang naihanda na ang mga pagkain at lumabas na siya sa kwarto dahil nagbihis na naman aiya ng ibang uniform para sa iaa pa niyang trabaho sa gabi.

"Kain na, anak." Sabi naman niya kay Edward.

Umupo na kami sa dining table. Gaya ng dati ay si Meredith ang kumuha ng pagkain para kay Edward at gaya ng dati pinauna niya akong sumubo para masiguradong walang lason iyon.

Kumain siya at napapikit. Hindi dahil sa sarap.

"Pucha. Di talaga masarap. Kung di lang ako nagtatrabaho, ako na nagluto. Tangna." Bulong niya na rinig ko naman.

Napatawa naman ako sa sinabi niya. Di pa niya alam na nakakaintindi ako ng tagalog at alam ko namang di ako marunong magluto.

"Does it taste good?"

"Y-yes." Sabay pilit niya na ngiti.

Natawa ako sa sinabi niya. Halata kasing pilit. Natatakot ata sa akin.

"Pato!" Napatingin kami kay Edward nang ituro niya ang maliit na TV na may pato.

"Yeah. Pato. How did?" Tanong ni Meredith at tumingin sa akin.

"What?" Umiling siya pero bakas parin ang lito sa mukha. "So? You're Filipino and your husband is Mexican?"

"Di mo ba nabasa sa profile?" Tanong niya na pabulong na rinig na rinig ko dahil nasa harapan niya lamang ako. "Yes." Sagot niya sa akin.

Napailing na lamang ako.

Ito ang one week na pinaka peaceful sa lahat. Walang patayan, torture at libingan.

Mas naa-appreciate ko ang normal na buhay ngayon.

So this is what it means to have a normal life?

If you compare it to what we have now, it's chaotic and bloody.

"You know, you're very familiar." Sabi niya bigla. "I know someone who looks like you back in the Philippines but that's impossible. Artista iyon, eh."

She knows me?

This Child is Yours, ActorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon