CHAPTER 47:PAST

420 16 5
                                    

Ter's POV

Kating kati na akong hawakan si Mila habang naglalakad kami patungo sa dressing room ko ngunit kitang kita ko naman sa mata ni May kung paano niya ako pandilatan pagtumabi lang ako ng lakad kay Mila.

Nasa likuran ko lang si Mila at Felix nakasunod sa amin ni May. May nakasalubong kami co-workers at tanging tango lang ang nagagawa ko sa kanila kapag nakikipag usap sila dahil ayoko ng magtagal pa.

Nang makita ko ang dressing room ay binilisan ko ang lakad para mauna ako sa loob. Nang makapasok ang lahat ay agad kong isinara ang pinto.

Napangiti na agad ako at handa ng lapitan si Mila nang magsalita si May.

"Hep! Hep!" Pigil niya.

Napatingin ako sa kanya na nagtataka. Pinandilatan niya ako ng mata sabay turo sa akin.

"Dito lang ako. Wag kayong masyadong PDA." Dahan dahan siyang umatras habang di winawala ang tingin sa amin at naupo sa kama. "Baka may sabihin ang iba pag nalaman nilang mag isa ka kasama ang isang babae."

Napasimangot naman ako sa sinabi niya.

"It doesn't matter." Sabi ni Mila at lumapit sa akin.

Hinawakan niya ang mukha ko at agad akong sinunggaban ng halik.

"Mila-" nang maibuka ko ang bibig ay mas diniinan niya pa ang halik hanggang sa nawala ako sa huwisyo at napapikit na lamang.

Napahawak ako sa baywang niya at mas nilapit pa siya sa akin.

Nawala na sa isip ko ang mga tao na nasa loob ng kwarto dahil napuno ang isip ko ng galak dahil di lang pala ako ang nakakaramdam ng pangungulila.

____

May's POV

Di ako makapaniwala habang nakatingin lang sa kanila na naghahalikan. Narinig ko naman ang tawa ni Felix.

"Come on." Hinila niya ako patayo at lumabas kami ng kwarto. Nagpadala na lamang ako dahil di ko na alam anong magiging reaksyon ko. "You look awful."

Doon lang ako bumalik sa huwisyo nang marinig kong tumawa si Felix. Sinamaan ko siya ng tingin ng tingin.

"Mila do what she wants and she will get what she wants. You can't do anything about it."

"Alaga ko yun."

"And Mila's also Terrence's lover. Give this time for them okay?" Sabay pisil niya sa kamay ko.

Kumunot naman ang noo ko at napatingin sa kamay niyang nakahawak parin sakin hanggang ngayon.

"Inaakit mo ba ako para pumayag ako?"

Lumaki ang ngisi niya. "Is it working?"

Di ko alam pero dahan dahan akong napangiti sa sinabi niya dahil alam kong di naman tumatalab ang flirting style niya sakin.

"You got to be kidding me."

Nawala ang ngiti ko at napatingin sa nagsalita sa harapan namin ni Felix.

"Oh? Miss Faith. Didn't see you there." Sabi ni Felix na may ngiti.

Bumaba ang tingin ni Faith sa kamay namin ni Felix. Agad kong napagtanto ang nangyari at bumitaw kay Felix.

"So? It's him? So, you really have someone?" Inis niyang tanong sa akin.

"Ha? H-hindi-" agad kong napagtanto ang sinabi ko at kumunot ang noo. Umiling ako at taas noong tumingin sa kanya. "I mean, oo siya nga." Sabay tingin ko kay Felix na makahulugan

Kumunot ang noo niya. Inakbayan ko si Felix at tumingin kay Faith.

"Siya nga. Mahal ko siya. So..." Binigyan ko siya ng makahulugang tingin.

This Child is Yours, ActorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon