CHAPTER 46: COMPOUND

409 15 4
                                    

Mila's POV

Dinala ko siya sa cafe ba nasa tabi lamang ng hospital. Ayoko naman kasing mag-usap kami sa labas ng kwarto ng anak niya. Kaylangan kong makuha ang loob niya dahil alam kong nagkamali ako.

Nakaupo na kami habang hinihintay ang order namin. Di niya inaalis ang tingin sa akin at halata ang pagiging mawari niya.

"I'm Camilla." Sabay halad ko ng kamay. "I know Terrence already introduced us to each other but I want it to be formal."

Tiningnan niya ang kamay ko at binalik sa akin. Nanliit ang mata niya at tinanggap ang kamay ko. Agad naman niyang binitawan ito.

"I'm sorry for the sudden intrusion." Sabay bow ko pa.

"Ayos lang. Ayos lang. Ayos lang." Sabi niya na may taranta sa boses. "So.. bat ka nandito?"

Umayos ako ng upo. "Other than intruding, I have something to confess."

"A-ano naman iyon?" Halata sa mukha niya ang lito.

"I got you investigated because I'm jealous and incesure on how you are so close to Ter."

Nagulat naman siya sa sinabi ko at napangiti. Nilagay niya pa ang siko sa lamesa at nangalumbaba na para bang ang kwentong ito ay napaka interesante.

"So, ano nalaman mo sa akin?" May himig na pang aasar sa boses niya.

"The basic. That you are once a prostitute, you've been with Terrence for 3 years and on that 2 years he's been living with you."

"Yes." Sabay tango niya pa. "Anong pinagseselosan mo dun? Sayong sayo na siya ngayon."

"Terrence got angry about it because he thinks I don't trust him. So, I'm here to say sorry to you."

"Mmm..." Tumango naman siya.

"At nalaman ko rin na di kana kakausapin ni Terrence dahil alam niyang magseselos ako."

"Yes." Tumango na agad siya. "Ganyan talaga siya. He'll give you assurance. Di ko alam bat di mo kayang paniwalaan iyon."

"That's why I'm here to say that it's okay for you to talk to him now." Nagulat naman siya sa sinabi ko.

"Ano?"

"And I'll help you with your problem with the hospital."

"T-teka, ano?"

"I don't know how to express how sorry I am but I have money and you need it, so accept it."

"Well..." Umupo siya ng maayos. "Di mo naman kaylangan gawin iyon ngunit kaylangan ko talaga ng pera."

Napangiti ako. "Then accept it."

Nahinto kami nang maibigay sa amin ang order namin.

"But I have to ask something." Dagdag ko pa. "I know you didn't tell this to Terrence, so I have to know. Bat ka nagpabuntis?"

Natigilan naman siya sa tanong ko at halatang nagulat.

"Tama nga ako may kapalit nga." Di makapaniwala niyang sabi.

"Well, I have to take advantage of what I have and what you don't." Sabay simsim ko sa coffee shake ko.

Napailing siya at nag iwas ng tingin.

She's having a second thought.

Napakagat labi siya at napansin ko ang pagkabalisa ng kamay niya.

She'll say it for sure.

"Fine. But don't tell him." Sabi niya. "Kapag sinabi mo, babalik iyon sa akin dahil sa konsensya."

Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya at nanlaki na lamang ang mata nang marinig ang sinabi niya.

This Child is Yours, ActorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon