CHAPTER 41: PHILIPPINES

386 12 1
                                    

Ter's POV

Agad ko nilanghap ang simoy ng hangin ng Pilipinas nang makababa ako sa private plane ni Mila.

"I missed the air of the Philippines." Sabi ko sa sarili. Naramdaman ko namang paghawak sa akin ni Mila sa kamay at isinalikop iyon.

"Bakit? Iba ba ang hangin sa Spain?" Sarkastikong sabi ni Felix nang makababa siya.

"I don't know. Being here feels so different."

"Iba talaga. Naghihintay na fans mo sa labas." Mataray na sabi ni May habang nasa tabi niya si Faith na nakaangkla ang braso sa kanya.

"How did they know I was arriving today?" Kunot noo kong tanong.

Nihindi ko nga pinaalam sa mga magulang ko kung nasaan ako. Ngayon ay alam na ng buong Pilipinas.

Naglakad kami papasok sa airport kung saan ang lobby ng nga VIP. Walang mga tao rito maliban sa staff ng airport.

"Kasalanan tu ng babaeng ito!" Gigil na sabi ni May at itinuro si Faith. "Kung di ka lang nag post na papaalis tayo ede sana walang maraming tao ngayon at di tayo nagtatago!"

"I'm sorry, okay? I like updating on social media and it's my first time in Spain. Pumayag na nga ako na di ko ipost ang ball ng mga De Vera." Maldita niyang sabi na ikinailing ko.

Di ko alam na may ganitong ugali si Faith. Mataray, maldita at maarte. Lahat ng iyan ay di ko maiisip sa kanya dahil sa mga interview niya ay napakabait niya tignan.

Di mo talaga malalaman ang ugali ng isang tao pag di mo sila nakakasama.

"We should split up here."

Nagulat ako sa sinabi ni Mila ngunit bago pa ako makaangal ay nagsalita ulit siya.

"We should meet up at your condo later." Sabi niya habang nasa cellphone ang kamay at tingin.

"Uhm... But-"

"Terrence." Pigil ni May at umiling. "Magkikita pa tayo ng mga producers, director at script writers ngayon dahil ngayon gaganapin ang script reading. Sinabi ko naman diba?"

"B-but..." Napatingin ako kay Mila na nasa cellphone parin ang atensyon.

I don't want to be apart from her.

Nandito na kami sa Pilipinas, dapat ay magkasama na kami lagi dahil wala ng hadlang sa aming dalawa.

Bumuntong hininga si Mila at napatingin sa akin.

"I'm sorry but I need to go." Lumapit siya sa akin at hinalikan ang labi ko bago naglakad papaalis.

Sumunod naman si Felix sa kanya. Sinenyasan lamang ako ni Felix na aalis na sila na tinanguan ko nalang.

"Dapat masanay kana." Sabi ni May makalipas ang ilang minuto na nakatanga ako sa pinto na pinagpabasan ng dalawa.

"What?"

"She's a CEO! A businesswoman! She's way busier than us actors." Sabi naman ni Faith. "Swerte mo."

Lumabas kami ng sabay sabay sa airport. Iyon ang malaking pagkakamali namin dahil maraming media at fans na ang nakatutok sa amin.

_____

Binuksan ko ang pinto ng condo ko at pumasok. Sumunod naman sa akin ni May. Kakatapos lang ng meeting at script reading.

Maraming binago sa script kaya parang bumalik kami sa una na nagbabasa ulit ng script.

Pagod at sakit ng ulo ang nararamdaman ko ngayon galing sa byahe at dinagdagan pa na wala rito si Mila.

This Child is Yours, ActorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon