CHAPTER 39: INHERITANCE

417 9 4
                                    


Ter's POV

"It's my first time seeing grandpa being so grateful. I think the 20% will go to Hubert, his right hand man." Sabi ni Mila at humikab sabay inat habang nakaupo sa kama.

Nakabihis na siya ng pajama at handa na kaming matulog. Di na kami nagtagal sa party dahil buntis siya. Gusto ko na siyang patulugin.

"Hubert deserves it." Bulong niya pa at humiga sa kama.

"You think?"

"Mmm... Sleep with me..." Utos niya pa ngunit di pa ako nakakalapit sa kama ay nakatulog na siya.

Nakabihis narin ako nang pantulog. Plano ko samang samahan siya sa pagtulog para makatulog siya ng mabilisan at may kasama siya ngunit parang di na ako kailangan pa dito.

Lumapit ako sa kanya at inayos ang kumot niya. Hinalikan ko siya sa labi ng ilang segundo bago ako humiwalay.

"I'll be back." Bulong ko kahit alam kong di naman niya maririnig.

Ilang minuto muna akong umupo sa sofa para siguraduhing di siya nagigising bago ako umalis sa kwarto.

Sinara ko ang pinto ng kwarto at tiningnan ang daan papunta sa opisina ni Vapzar. Bumuntong hininga muna ako bago ako nagsimulang maglakad.

I would be lucky if he's there. I know his busy downstairs hosting his party but I need to know and confirm if what he said earlier was meant for me.

Huminga ako ng malalim bago kumatok sa pinto ng opisina ni Vapzar at binuksan ito.

"Sir?" Sabay dungaw ko sa loob.

Madilim ang opisina at ang ilaw lang sa table ang umiilaw.

"Do you need something, sir?" Napaigtad ako at napatingin sa likuran.

"Hubert. Sir. Sir Hubert." Gulat kong sabi na may halong kaba. "Y-you scared me."

"Do you need something?" Tanong niya pa ulit.

"I was wondering if sir Vapzar is here but I guess he's not."

"He's in his room. He told me to pick you up actually."

"Really?" Sabay ngiti ngunit agad rin itong nawala dahil malakas ang pakiramdam ko na tungkol ito kanina.

Sinundan ko si Hubert. Napunta kami sa parte ng bahay na di ko pa napupuntahan. Pumasok kami sa isang pinto na akala ko ay kwarto ngunit elevator pala.

Isang botton lang ang nandoon. Pinindot ito ni Hubert. Naramdaman ko naman ang pagtaas namin. Tumunog ang elevator at bumukas ito.

Sa pagbukas pa lang ay agad na bumungad sa amin ang isa pang pinto. May password na nilagay si Hubert sa pinto na naka lock at fingerprint niya bago ito bumukas.

Napahanga na lamang ako habang papasok sa kwarto. Agad kong pinasadahan ng tingin ang malaking kwarto. Halatang mamahalin ang nandito. Mas maraming gamit rito kesa sa opisina.

Malaking chandelier, bartending area, malaking carpet, may billiards pa.

This is screaming luxury.

"You're here." Napatingin ako sa kanang bahagi ng kwarto at nakita si Vapzar na may binabasang papel sa lamesa habang nakaupo.

Ang lamesa niya ay napapalibutang ng libro na para bang isa itong opisina.

"Come here." Utos niya.

"Yes, sir." Pumunta ako sa harapan niya at tumayo ng matuwid.

"I know you have a lot of questions. I'll hear it." Sabi niya habang di winawala ang tingin sa papel na binabasa.

"Yes." Sabay tango ko. "Uhm... Who did you meant by the 20%-"

This Child is Yours, ActorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon