CHAPTER 53: BLACK SECTION

386 15 11
                                    

Mila's POV

"Nasan sila?" Takang tanong ni Terrence nang napansin na di na nakasunod sina Felix at May sa akin.

Kanina ko pa napansin na di na sumunod sina Felix sa amin ngunit ngayon lang ito napansin ni Ter pagkatapos ng mahigit 15 minutes.

"Let them be. They are planning to have a date anyway. Let's give this to them."

Tumango naman siya at tumingin sa paligid.

"Walang masyadong tao rito sa Black section ng mall." Puna niya.

Ang Black section ay lugar kung saan ang mga may Black membership card lang ang mayroon.

"Well, this isn't a public place. This is designed for people who wants to shop in peace." Itinuro ko ang isang boutique na may mamahaling brand. "Let's go inside. I think that shirt looks good on you."

Iyon kasi agad ang napansin ko nang makarating kami sa lugar na ito. Nauna akong pumasok sa kanya sa boutique.

Agad kaming binati ng mga staff na nagta-trabaho sa boutique.

Itinuro ko ang bintana.

"The maniquen at the left. I want that full set. From the shoes to the hat." Utos ko sa isang staff.

"Yes, maam." Sabay yukod niya at alis.

Tumingin ako kay Terrence at sa katawan niya.

He would look good in gray, dark, green, dark blue...

Tumingin ako sa ibang bahagi ng boutique at napangiti nang makita ko ang magagandang kulay na babagay kay Ter.

"Try some of these." Sabay kuha ko sa mga naka hanger na damit at binigay sa isang staff bago humarap kay Ter. "Get everything that would look good on him." Utos ko sa mga staff bago ako pumunta sa sofa at naghintay doon habang nagbabasa ng magazine

Isa-isang isinuot ni Ter ang mga damit na binigay sa kanya ng mga staff at isa-isa niya itong ipinakita sa akin.

"What do you think?"

Iyan agad ang tanong niya na may ngiti pag lumalabas na siya sa dressing room.

Sometimes he would give a comment like how he likes the fit of the clothes, the color and its texture.

"I really like this one." Sabi niya.

Everything looks good on him.

"I think I'm going to choose this." Sabi niya pa.

Tumingin ako ulit sa brochure na kanina ko pa tinitingnan kung saan makikita ang lahat ng mga bagong products nila na di pa nadi-display.

"Then we're going to get it." Sabi ko at pinitik ang kamay.

Agad namang nakuha ng mga staff ang gusto ko. Lumapit sila sa akin.

"Wrap everything he wore earlier and this too." Sabay bigay ko sa brochure at itinuro ang isang mamahaling sapatos.

"Yes, ma'am."

Tumingin ako kay Terrence. Kita ko ang gulat sa mukha niya sa sinabi ko ngunit binigyan ko na lamang siya ng ngiti.

Kumunot ang noo niya at umiling bago pumasok ulit sa dressing room. Habang naghihintay sa kanya na magbihis ay dinagdagan ko ang mga napili ko sa brochure.

"Let's go?" Tanong niya nang matapos siyang magbihis.

"Let's go." Sabi ko bago pa ako makatayo ay nilahad na niya ang kamay niya.

Napangiti ako at tinanggap ito. Lumabas kami ng boutique na magkahawak ang kamay.

Nasa Men's Wear section kami ng mall kaya naglilinyahan ang mga damit dito na panlalaki.

This Child is Yours, ActorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon