CHAPTER 58: PRESSCON

539 18 4
                                    

Kim's POV

Inaayos ko na ang gamit namin ni Jacob sa pag-alis namin. Bukas kasi ang araw na aalis kami pauwi sa aming hometown.

Pumunta lang naman ako rito dahil mas epektibo ang pagamutan rito. Ngayon dahil magaling na si Jacob ay wala ng dahilan pang manatili kami rito.

"Where are you going?" Nag angat ako ng tingin mula sa pagtitipi ng damit papunta sa lalaking pumasok lang rito sa bahay ng walang paalam.

"Uuwi na kami." Sagot ko.

"Ha?" Lumapit si Ryan sa akin at tiningnan ang mga gamit. "Saan?"

"Sa bahay namin."

"Sa totoo naming bahay." Singit naman ni Jacob na dinala ang mga gamit niyang nalimutan ko sa kwarto.

"Ha? Saan iyon?" Alala niyang tanong.

"Bat parang nag aalala ka?"

"Akala ko ba bahay niyo ito?"

"Rented lang ito." Sabi ko at pinaandar ang TV dahil mag aalas sais na. Presscon ngayon ni Terrence.

"Akala ko dito talaga kayo nakatira."

"Nag renta lang kami dahil malapit rito ang hospital." Sagot ko.

"K-kaylan alis niyo?" Sabay upo niya sa tabi ko.

"Bukas." Sabay lipat ko ng channel.

"Bukas?!" Gulat niyang tanong.

Inirolyo ko ang mata dahil sa reaksyon niya.

"W-what about me?"

Nagulat naman ako sa tanong niya. "Ha? Ampon ba kita? Bat naman aalahanin ko pa kung san ka papunta?"

Sa loob ng isang buwan ay laging narito si Ryan para bumisita. Sa isang linggo makaka-apat na araw siya sa pagbibisita.

"Bat di mo sinabi sa akin?"

"Kaylangan ba?"

Nagulat naman siya sa sinabi ko at nakitaan ko ng sakit ang ekspresyon niya. Napailing ako.

I'm not that stupid to not realize why is he visiting here.

He's a friend but you don't visit your friend that frequently.

"B-but..."

"Kung gusto mo sumama ka sa amin. May bahay naman ako doon. Pwede kang tumira doon."

Nanlaki ang mata niya. "Ano?"

Nanlaki ang mata ko nang makitang magsisimula na ang presscon.

"Shut up now. Here comes Terrence."

"Terrence? Terrence Quentes? Tama, presscon niya pala ngayon." Tumingin din siya sa TV. "Idol mo pala yan."

Napangiti ako. "I'm a huge fan of his."

"Talaga? Ako rin." Napatango ako. Dapat lang.

"Ano tingin mo sa jowa niya?"

"Si Camilla? Ayos lang. "

"Sa tingin mo good digger siya?" Natatawa kong tanong dahil alam kong hindi naman siya ganuon.

Siya ang pinakamayamang nilalang na nakilala ko, malas ng mundo dahil di nila alam.

Natawa naman si Ryan sa sinabi ko. "People think that but I don't judge the book by it's cover especially when it's expensive."

Nagkatinginan kami at natawa. Tinuon namin ang atensyon sa TV.

Fight for your love, Ter. This time, make it work.

This Child is Yours, ActorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon