CHAPTER 4: CAST

826 14 0
                                    


Camilla's POV

"I'm glad you're not that dumb."

Napatingin kami sa lalaking lumitaw sa tabi ni Ter habang nakadungaw at nakangiti kay Ter.

Sinamaan ko siya ng tingin na agad naman niyang napansin. Agad niyang tinikom ang bibig niya at umupo sa tabi ni Ter.

"Wait. You are?" Tanong ni Ter, halata sa boses niya ang lito.

"Hi! I'm Ryan Garcia! I'm Camilla's best friend!" Sabay lahad niya ng kamay.

Kunot noo parin si Ter ngunit kinuha ni Ryan ang kamay niya at pinilit na nakipag kamay bago binitawan.

Humarap si Ryan sakin at ngumiti.

"What do you think your doing?" Tanong ko na sinagot niya ng ngisi.

"Terrence, you might be wondering why we got in. Well, I'm rich. I owned this place, the resort exactly."

Nanliit ang mata ko sa sinabi ni Ryan. Kita ko naman ang gulat sa mga mata ni Ter at tiningnan ako na may nagtatanong na mukha.

Napakagat naman ako ng labi.

Why do I find him cute?

"Yes. It's the truth." Umayos ako ng upo. "Nakakaabala ba ako sayo?" I worriedly ask. "I can go back."

"But you're here because you're worried about the baby, right?"

"Nandito naman si Ryan." Sabay tingin ko kay Ryan. "He'll help me out. Right, Ryan?" Sabay makahulugan ko ng tingin kay Ryan.

I thought it was good idea to go here but with his work and May here, it won't be possible to have a relaxing time with him.

Sumimangot naman si Ryan at bumuntong hininga bago sumagot. "Fine-"

"No."

Napatingin kaming dalawa ni Ryan kay Ter. Nagulat kami sa sinabi niya ngunit pati rin yata si Ter ay nagulat sa sinabi niya.

"Uhm... B-because..." Tumingin siya kay Ryan at saka sakin. Halatang nag iisip pa siya ng dahilan. "Uh..."

Bigla akong napangiti dahil sa inaasta niya. Halatang gusto niyang manatili ako ngunit wala siyang makitang dahilan kung papaano iyon gawin na hindi kami mahihirapan.

"Maybe I'll stay here." Sabi ko kay Ryan.

"Yeah. You probably should." Sabi ni Ryan na may makahulugang ngiti.

Tumingin ako kay Ter. "Don't worry. I won't be a hindrance on your work."

"It's not it. I was just wondering why I'm still worried."

"Maybe because you're jealous that she's been sleeping at my cabin." Singit naman ni Ryan.

"Ryan, stop it." Saway ko sa kanya ngunit natigilan rin naman ako dahil nakita kong namumula sa hiya si Ter habang nakatingin sa akin.

Di ko mapigilang mapangiti sa kilos niya.

Why do you feel jealous? Why this side of you making me smile? Why do I feel this way for you?

"Our cabin is in Royal. So, we share a cabin but not a room." Sabi naman ni Ryan.

There's a three class cabin in this resot. Royal, Noble and Common. We're staying in Royal where there's a lot of rooms in one cabin and Ter is staying in noble cabin which only good for one family.

"Oh? I see."

"You can visit her if you want." Dagdag pa ni Ryan.

Yumuko si Ter. Natahimik pa kami bago siya tumayo at lumapit sakin. Sabay lahad ng kamay.

This Child is Yours, ActorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon