SIDE STORY 1: BLACK ALLEY

898 19 2
                                    

FLASHBACK

TER'S POV

"No...." Sabay iling ko habang tinutulak na ako ng mga kaklase ko sa black alley.

"You must keep your word! We played the game fair! It's your time to do the dare now!" Reklamo ni Liam habang tinutulak ako.

"B-but... That's the black alley! No one goes there!"

"Ano ka ba?!" Inis na sabi ni Kent at hinarap ako. "People go there."

"Pero di estudyante!"

"That's why you wear casual clothes and not our uniform, right?!"

"James would make fun of you again if you don't do this!" Sabi ni Liam na may halong pag-aalala. "You only have to take some pictures and go."

Napatingin ako sa kanila. Ayokong gawin ang utos ni James ngunit ito lang ang paraan para tigilan niya ako. Naglaro kami ng truth or dare kanina at ito ang naging dare sa akin ni James.

Pumunta daw ako rito sa Black Alley kung saan dito tumatambay ang mga babaeng bayaran kapag gabi. Dito ang pick up place nila, may mga bar rin at mga maliliit na motel rito.

Kilala ito sa buong bayan at wala pang sino mang awtoridad ang umaksyon rito. Siguro dahil government employees rin ang mga costumer rito.

Binigyan ko ng huling tingin ang mga kaibigan ko na nainis rin sa ginawa ko. Di ko napigilan ang kaba habang naglalakad papunta sa black alley.

Madilim rito at ang tanging ilaw lang ay nasa bawat kanto ngunit kitang kita naman sa ilalim ng mga ilaw na iyon ay ang grupo ng mga babae na may hinihintay.

Huminga ako ng malalim kasabay ng pagdoble ng kaba sa dibdib ko. May dumaan na nakamotor sa gilid ko at dumiretso siya sa mga babae. Kita ko kung papaano huminto ang lalaki at may kinausap na isang may katandaan na babae na tinuturo iyong mga dalagang babae.

So, this is how they do business here, huh?

Di naman ako ganuon ka inosente para di malaman kung ano ang pinag uusapan nila.

"Bata mo pa, ah."

Agad akong napatingin sa likuran kung saan nang galung ang nagsalita at napalayo sa kanya.

"Anong ginagawa mo rito?" Napangiti niyang tanong na may pang-aasar. "Bawal ka rito. Masyado ka pang..." Tiningnan niya ako mula paa hanggang ulo. "Bata. Ilang taon kana?" Sabay tingin niya sa akin.

Napalunok ako. Ang sinabi lang sa akin ay pumunta rito at magmasid. Walang sinabi na kumausap ako sa isang...

Napatingin ako sa kabuhuan ng babae. Fitted na sando at maong shorts na hapit na hapit sa katawan. Sa ayos ng buhok, sa ayos ng pananamit at sa make up niya halatang isa rin siya sa mga bayarang babae ngunit di mapagkakaila na maganda siya.

But anyway...

I need to be in here for 1 hour.

Baka pagsinabi ko ang totoo ay paalisin niya ako.

"I'm already 19."

Natigilan siya sa sinabi ko at halatang di ako pinaniniwalaan. Tumawa siya at lumapit sa akin. Agad naman akong napaatras.

"Isa lang naman ang dahilan ng mga taong pumupunta rito at iyon ay..." Sabay hawak niya sa kamay ko ngunit kinuha ko iyon at lumayo sa kanya.

"I'm not here for that." Sabay iwas ko ng tingin. "Tinitingnan ko lang kung anong meron rito." Dahilan ko dahil iyon naman ang totoo.

Dumaan sa tabi namin ang motor ba kanina dumaan rito, ngayon ay may dala-dala na siyang babae na angkas.

"Kimberly!" Tumingin kami sa mga grupo ng mga babae na tumawag sa kanya.

This Child is Yours, ActorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon