CHAPTER 2: PREGNANCY

840 14 4
                                    


Ter's POV

"Are you going to be alright here?" Alala kong tanong sa kanya.

"I'm going to be fine."

"Call me if something happens, okay?"

Tumango naman siya at nag iwas ng tingin. Alam kong napipilitan lang siya sa pagtira rito, di ko naman siya masisi. Ilang beses na niyang sinabi na di ko kaylangang panagutan siya. Isa lang ibig sabihin nun, ayaw niya ako sa buhay ng bata.

Di naman pwede iyon.

Nabigla naman siya nang hawakan ko ang kamay niya.

Kahit na ayaw niya sa sitwasyon ito ay masaya parin ako.

"Thank you for coming back." Sabay ngiti ko sa kanya.

"Ter, let's go!" Napatingin kami kay May na nasa pintuan na naiinip na.

Tumingin ako kay Camilla at binigyan siya ng mabilis na halik sa labi. Nabigla siya sa ginawa ko at nag iwas ng tingin. Napangiti ako nang makitang namumula ang mukha niya.

For this year goal. I'm going to make you fall in love with me.

---

Camilla's POV

Calm down! Calm down, Camilla! Gwapo siya at mabait... Di naman ibig sabihin na type ko siya.

Napatingin ako sa pintong pinaglabasan niya at huminga ng malalim. Kanina pa tumitibok ng mabilis ang puso ko.

Bat ba ang hina ko sa lalaking napakagwapo?

Tumunog bigla ang cellphone ko.

Naisip ko na baka sa trabaho ngunit agad akong napangiti nang makita ang pangalan kaya agad ko itong sinagot.

"Ryan." Bati ko sa kanya.

"Camill!" Nailayo ko naman ang cellphone ko sa tenga. "Ano tung narinig kong nag leave ka? At one year talaga?! Ano tu?!"

"Ryan, calm down." Huminga rin ako ng malalim dahil sa kasiyahan na nararamdaman ko ngayon. "I'm pregnant."

Mahabang katahimikan ang namayani samin.

"D-di nga?" Iyon agad ang tanong niya. Nandoon ang saya sa boses niya at halatang maiiyak na siya.

Di ko naman mapigilang mapaluha. Alam kong masaya siya para sakin.

"Stop joking." Narinig ko na ang pagsinghot niya.

Mahina akong natawa. "You don't believe me? Should we see each other?"

Nagkita kami ni Ryan sa pinakamalapit na coffee shop rito sa condo dahil ayaw niya akong bumyahe ng malayo. Nauna ako sa kanyang makarating.

Kumuha lamang ako ng cake dahil di ko alam lung pwede ba ang kape sa buntis.

Ilang minuto ay dumating rin siya. Nang nakita niya ako mula sa pintuan ay agad siya naglakad papalapit sakin.

"Ryan." Tumigil lang siya sa harapan ko. Nakatayo lang siya.

Tiningnan niya ako na para bang maiiyak siya.

"Bakit? Di kaba masaya?" Tanong ko sa kanya.

Bigla naman siyang lumuho at lumuhod sa harap ko sabay hagulgol sa tiyan ko habang niyayakap ako.

"Ryan, people are watching."

"I don't care! We've been waiting for this! You've been wishing for this and now it's here!"

"Ryan, calm down. I don't want people talking."

Huminga naman siya ng malalim at tumayo. Kinalma niya ang sarili at naupo sa harap ko. Kumuha naman ako ng tissue sa bag at binigay sa kanya. Suminghot siya agad doon.

This Child is Yours, ActorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon