CHAPTER 15: MOONLIGHT

442 13 2
                                    

Ter's POV

Maingay ang kainan namin rito sa kusina. Lahat ay nagtatawanan at nagkakasiyahan.

I want to announce them the news about Mila's pregnancy but I couldn't find a right timing.

"Si Terrence noon hanggang ngayon, Camil. Di yan nagbago." Sabi ni kuya Jude na nakainom na habang nakikipag usap kay Mila.

Nandito kami nakaupo sa dining table at nagkataon na nagkatabi sila.

"Napakabait na bata. Wala kang marereklamo dyan. Maliban lang nuong sumama siya sa ex niya at nakipag live-in."

"Kuya Jude. Tama na yan." Nahihiya kong pigil sa kanya.

"Hindi. Dapat sabihin mo sa girlfriend mo ang mga magaganda at mga hindi magagandang bagay na nangyari sa buhay mo. Halimbawa yung ex mong bugaw-"

"Kuya, tama na." Pigil ko at bahagyang nainis na.

I don't want them talking like that about Kim.

"No. Let him finish." Sabi naman ni Mila na parang inuutusan ako.

"Mila..." Alala kong sabi.

Di ako nag aalala kung anong sabihin ni kuya tungkol sa akin, mas nag aalala ako kung anong iisipin ni Mila kay Kim. Gusto ko pa naman ipakilala si Kim kay Mila.

"Tama! Dapat sabihin natin lahat!" Sabay tawa ni kuya Jude.

"Oh! Meron ako!" Taas kamay na sabi ni Nene. "Naalala niyo iyong inaway ni kuya Ter sila tita at tito para sa babaeng iyon."

"Oo!"

"Nagulat kami!"

"Nakakainis siya noon!" Dagdag naman ng mga iba ko pang pinsan.

"First time naming nakita si Ter na galit at naglayas pa siya." Sabi ni Nene.

"Tapos anong ginawa sayo ng babaeng iyon? Niloko ka lang. Di napigilan ang pagkakati-"

"Please!" Sabay tayo ko at sigaw.

Agad naman silang natahimik. Napagtanto ko naman bigla ang ginawa ko.

"Stop it..." Mahina kong sabi nang makaramdam ng hiya. "Sorry." Sabi ko sabay upo ulit at napayuko na lamang sa hiya at lungkot.

I want to go. I hate hearing bad things about Kim because I know she's not like that.

"Pasensya na." Tumayo si Mila kaya napatingin ako. "Kelangan ko ata ng hangin. Busog na busog ako." Sabi niya sa iba at tumingin sa akin. "Let's go?"

"Y-yes." Tumayo narin ako.

Hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako papalabas ng dining.

"Where are we going?" Tanong ko nang nakalabas kami ng bahay.

"Let's go to the sea. The moon is shining bright tonight."

Hawak hawak niya ang kamay ko habang hinihila niya ako. Nagpapasalamat ako na umalis kami doon.

Sometimes, I really can't stand my family.

Tumigil kami sa tabi ng dagat. Malayo na kami sa bahay at walang na akong naririnig na ingay mula doon.

"Look at the stars. There are thousands of them in the sky." Sabi niya habang nakatingin sa langit.

"Y-yes." Sabi ko at umupo sa buhangin. Tumabi naman siya sa akin.

"Did I make you uncomfortable earlier?"

Niyakap ko ang tuhod ko at nilagay ang mukha sa pagitan nito.

This Child is Yours, ActorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon