CHAPTER 33: TELEPHONE

629 10 3
                                    


Ter's POV

"Up-up." Napatingin ako sa ibaba nang marinig si Edward.

Nakaangat ang kamay niya na para bang inaabot ako.

"Up?" Kinuha ko siya at kinarga at nagpatuloy sa pagluluto ng tanghalian.

Agad na pinulupot ni Edward ang kamay at paa niya sa akin habang sinisilip ang niluluto ko.

"This is just soup. Sana matama ko na." Sabay kuha ko sa resipe at binasa ulit ang nakasaad doon.

Binigyan ako ng resipe ni Meredith dahil wala daw akong kwentang magluto. Ayaw niya daw gumastos ng ready made kaya pagtyatyagaan nalang daw niya ako.

"Done." Pinatay ko ang stove at binaba na si Edward. "play with your toys." Sabay turo ko sa tatlong laruan niya. May truck, teddy bear at bat man action figure.

I should bought him toys.

Pumunta naman siya doon at nagsimulang maglaro. Tinawag niya pa ako para makipaglaro sa kanya kaya ginawa ko. Nasa harapan kami ng TV at naglaro doon habang nanunuod.

May kumatok naman sa pinto. Alam kong di si Meredith iyon dahil mamaya pa siyang gabi dadating. Narinig ko ang pagbukas ng pinto at pumasok si Felix.

"Felix!" Napangiti kong bati sa kanya.

"Hey." Bati niya at pinakita ang dala niyang mga paper bag. "Gamit mo." Sabi niya.

Nung nakaraang araw ay bumisita si Felix rito at nagboluntaryo na dalhan ako ng gamit.

"Thanks."

"Hi!" Bati naman ni Edward sa kanya.

Lumapit si Felix sa amin at nakiupo sa sahig.

"Yoh." Sabay hawak niya sa ulo ni Edward.

Tumingin siya sa akin at binigay ang paper bags.

"Thank you."

Tiningnan ko ang laman doon. Mga damit lang naman iyon.

"May ibabalita ako." Alam kong di lang dahil rito kung bat siya nandito. Alam kong may kinalaman ito kay Camilla.

Hulibg punta niya rito ay may hahanap daw siya ng paraan para matawagan si Camilla.

"What is it?" Tiningnan ko siya.

"Back in the Philippines before we got on the airplane. I already called Van ang informed him that we're going to Spain to see Camilla and to explain that the call was a misunderstanding. That's the last call we have."

"Then?"

"I'm sorry, I should've been careful. Van might be a spy who's working for Vapzar."

Tumango ako. Di ko kilala si Van pero naisip ko narin iyan. Sinabi na ni Felix kay Van ang lahat-lahat pero di parin nagpapakita si Camilla.

"What if Van told Camilla about us being held by Vapzar but didn't choose to... Help us?" Naitanong ko sa kanya. Nagulat naman siya sa sinabi ko at umiling.

"Impossible. Camilla value lives. Kahit na ikaw pa ang pinakawalang kwentang lalaki sa lahat ay tutulungan ka parin niya para di ka mamatay."

Napatango naman ako. Tama siya. My Camilla is not that bad. I know that.

"So, I tried to find a way to contact her without Hubert suspecting us."

"Did you find one? He literally confiscated our phones."

Iyon ang ginawa ni Hubert sa unang araw palang nang pagdating namin sa mansyon.

"I didn't contact her but I found a way. Yung wireless telephone na nasa mesa sa opisina ni Vapzar. Isang linya lang meron doon. Kapag ginamit mo iyon ay automatic na matatawagan mo na si Camilla."

This Child is Yours, ActorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon