CHAPTER 61: DECISION

522 18 2
                                    


Mila's POV

So, that's what he wants? This is the path he chose.

Who am I to argue with that?

I didn't expect it, I did believe that he'll still continue being an actor but knowing that it's making him sad, I won't force him.

"Boss, we have to go." Sabi ng isang tauhan ko.

I asked them to give me 10 minutes to be alone here because I know, no one would take a glance to a woman who do not attract attention and having bodyguard is an opposite of that.

Nagtaas ako ng kamay at sinenyasan na silang aalis na kami. Nauna akong maglakad at sumunod naman ang mga bodyguard ko na nagsilabasan na mula sa ibat ibang parte ng venue.

Napansin kami ng reporters ngunit nakaalis na kami bago pa nila kami pagkaguluhan.

Nang nasa kotse na ako ay nag text ako kay Ter.

_____

Ter's POV

Naramdaman ko ang pag vibrate ng cellphone ko dahil si Felix pa ang sumasagot sa mga katanungan ay sinilip ko iyon.

Napangiti ako, nag-text agad siya pagkatapos niyang umalis.

"May?" Tawag ko kay May. Tumingin siya sa akin at nilapit ang mukha. "Mila's going home now. Can we go home now too?"

Tiningnan niya ako at tiningnan niya ang wrist watch niya sabay tango.

Ilang minuto pa ang nakaraan bago nag- announce si May na tapos na ang presscon.

Maraming bodyguards ang naghatid sa amin papunta sa kotse dahil sinusundan pa kami ng mga camera. Doon lang kami nakahinga ng maluwag nang nakaalis na kami.

"Nakakahiya! Bat pa ako sumama don?!" Reklamo ni Felix dahil ngayon lang niya naramdaman ang kahihiyang ginawa niya.

I don't feel that way though. He looks so cool earlier.

"Ayos lang iyon! Pinakita mo lang na di ka basta basta na binabangga!" Sabi ni May habang naglalagay ng foundation sa mukha. "Nakaka-stress ang araw na ito pero salamat naman at tapos na ang lahat."

Napatingin ako sa labas ng bintana. Gabi narin at wala ng masyadong sasakyan ang nasa daan. Nagsisimula na akong makaramdam ng antok at pagod.

Pinikit ko ang mata.

Salamat talaga at tapos na ang lahat.

______

"Ter? Ter, wake up."

Dahan dahan kong binuka ang mata dahil sa boses na narinig ko. Agad akong napangiti nang makita si Mila.

Nakatulog pala ako sa byahe.

"Mila." Sabay yakap ko sa kanya.

Nasa labas siya ng sasakyan at ang dalawa ay nasa labas na.

"Did you wait for me? It's already late." Sabi ko sabay hikab at yakap sa kanya bago ako bumaba ng sasakyan.

Bumalik kami sa mansyon niya dahil dito naman talaga magsisimula ang trabaho dahil nandito si Vapzar.

"Let's sleep now." Sabi ko sabay giya sa kanya papasok sa bahay. "Bat di kapa natulog? Di mo na sana ako hinintay."

"I can't sleep without you."

Napangiti naman ako sa sinabi niya at inakbayan siya.

This is why I want to quit on my job as an actor. How can she sleep if I work even in evening?

"Welcome back, sir." Iyon agad ang naging bati sa akin ng mga kasambahay sa pagpasok ko sa bahay.

Nakalinya sila na para bang hinihintay talaga ako at ito ang unang pagkakataon na ginawa nila sa akin ito.

Did I prove myself on this mansion already?

"Why are you all still awake? It's already midnight." Sabi ko sa kanila. "Rest now." Dagdag ko pa bago kami nagpatuloy sa pag akyat papunta sa kwarto ko.

Dito ako natutulog sa guest room bilang pag respeto narin sa mga tao rito at kay sir Vapzar. Alam ko naman kasi unang tapak ko palang rito ay isang estranghero pa lamang ako sa kanila ngunit sa pananatili ko sa guest room ay doon rin nananatili si Mila.

"Uhm... Are you not able to sleep because my presence isn't here or you can't sleep because you have a lot of questions?" Tanong ko sa kanya at binuksan ang pinto ng kwarto.

"I guess..." Huminga siya ng malalim. "Both." Di nakatakas ang malungkot niyang tono sa pandinig ko.

"Are you mad or..." Tumigil siya sa paglalakad. Isinara ko naman ang pinto. Nakatalikod siya sa akin kaya di ko malaman ang ekspresyon niya. "...upset because of my decision to quit?"

I don't want to ask her that because I don't want to hear that she's opposing my decision. I didn't tell her because I'm afraid to here that she might oppose it.

I know Mila will try to convince me if I ever told her about my decision. I always listens to her and I know I will choose the path she'll choose me to do.

Kung nagkataon sinabi niya na manatili ako sa pag-aartista bago ko pa ginawa ang announcement ay alam kong mananatili ako para lang mapasaya siya.

Ngunit di ko kayang i-prioritize siya ngayon dahil makakaanak na kami. Dapat ang isip ko ay di na sa kanya umiikot, kaylangan kung isipin ang magiging buhat ng anak namin pagnagkataon.

Vapzar is right. People will attack us because of me. If they ever saw how weak I am, they'll target us, they'll target Mila so she could fail and I don't want that to happen.

"I'm...not upset or mad. I'm just..." Tumingin siya sa akin at malungkot na ngumiti. "Because you didn't tell me."

"I'm..." Nag iwas ako ng tingin. "I was afraid that you'd oppose it."

"Why would you think that?" Malambing niyang sabi at lumapit sa akin.

"I know you wanted to protect me..." Sabay tingin ko sa mata niya. "I know you will try to convince to stay on being an actor but... What I told the press was the truth. It's not making me happy anymore."

Nagulat siya sa sinabi ko. Pumikit siya at tumango. Yumuko siya na para bang nanghina.

"The path you chose now is very dangerous." Halos pabulong niyang sabi.

"I know." Hinawakan ko ang kamay niya gamit ang kanang kamay ko at marahan iyong pinisil. "But... Trust me on this one. I got this." Ang kaliwang kamay ko ay ginamit ko para maiangat ang mukha niya. "Promise me... That you believe in me."

"I... I believe you." Mahina niyang sabi ngunit halatang pilit.

Nasasaktan ako dahil alam kong di naman niya gusto ang sinasabi niya.

Hinalikan ko ang noo niya ng marahan sabay pikit.

I know she's worried and I just have to prove myself that there's nothing to get worried about.

I'll work hard to prove that to her.

______

3 MONTHS LATER

The days past by so fast. After the issue broke down about me and Mila, we became trending for 1 month but it already died down because Jim Sanchez got caught cheating on his wife with Diane.

Lahat ng baho nila lumabas maliban kay manager Zia na naghugas kamay. Nanahimik siya at nag ibang bansa.

Si Vapzar naman ay umuwi muna ng Spain dahil inihahanda niya ang mga dapat ituro sa akin. Nagsisimula na siyang payuhan ako ngunit ang training ko ay magsisimula pagkatapos ng showing ng movie ko.

Natapos rin ang taping namin kaya nagkaroon ako ng mas malaking oras para kay Mila at kay Ceres. Di pa kami nagkakaroon ng part 2 ng date namin ni Mila dahil mas inaalala namin ang kalagayan niya. Mas naging sensitibo ang pagbubuntis ni Mila ngayon, ang araw araw niyang morning sickness, craving sa pagkain at mas clingy siya ngayon.

Halos nanghihingi siya ng yakap na nagtatapos sa isang mainit na gabi.

Hanggang sa dumating ang araw na pinakahinihintay namin.

This Child is Yours, ActorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon