CHAPTER 45: CAMILLA'S VISITATION

432 16 2
                                    


Ter's POV

"Ano ito?! Pinagsama ang mga kampon ng dilim?!"

"What are you talking about?" Kunot noong tanong ni Diane.

"Alam niyo kung anong sinasabi ko!" Itinuro ni May ang dalawa. "Kayong dalawa, wag na wag kayong lalapit sa alaga ko kung ayaw niyong makatikim! Che!" Hinila ako ni May.

Tiningnan ko muna iyong dalawa bago ako nagpadala kay May papunta sa dressing room namin.

"Ang kakapal ng mukha!" Sigaw agad ni May nang makapasok kami sa dressing room ko. "May kinalaman talaga si Diane dito! Anokayang ginawa niya?"

Bumukas bigla ang pinto. "Apparently, she's with the one of the producers." Pumasok si Faith at isinara ang pinto. "The changes of the script? And her coming here is because of that producer."

Kumunot ang noo ko. "Sino ang producer?"

Tumingin sa akin si Faith. "Mr. Jim Sanchez."

"Ano?!" Gulat na tanong ni May. "T*ngna. Walang magandang maidudulot ito."

"Yeah. This movie will look promising." Sarkastikong sabi ni Faith.

Bumukas na naman ang pinto at pumasok si Direk Belle.

"Direk."

"Direk." Bati namin.

Tumingin si Direk Belle sa akin at kay Faith. Ngumiti siya na para bang may pinapahiwatig.

"Lagi ko kayong nakikitang magkasama, ah?"

"Oh..." Kumunot ang noo ko sa gulat.

Simpli namang umiling si Faith habang nakangiti.

We know what she wants to say.

"Parang kaylan lang na nag-update sa akin si May na nasa Spain ka raw." Sabi ni Direk Belle sa akin tapos tumingin siya kay Faith. "At kaylan lang nung nagpost ka sa IG tungkol sa bakasyon mo sa Spain."

Nagkatinginan kaming tatlo at umiling kay Direk.

Malaki ang ngisi ni Direk Belle. "Tung isang araw lang nabalitaan ko na kasama kayong umuwi galing Spain. So, ano na nga? It's fine to be in a relationship. You don't have to hide it from me."

"Direk, it's not-"

"Mag sho-showbiz paba tayo rito? Parang pamilya niyo narin ako."

Nahihiya na lamang akong tumawa sa pinagsasabi niya.

She's clearly assuming things here.

"But anyway." Tumingin sa akin si Direk. "I know you and Diane don't get along. That's why, you can go. Mamasyal muna kayo or have a date." Sabay alis niya na kinikilig.

"So, she's also into it, huh?" Napatingin ako kay Faith.

"Anong ibig mong sabihin?"

"We've been trending in all social media platforms for days now because of what they saw at the airport! Check your social media." Sabi niya at hinawakan ang doorknob.

Tumingin siya kay May at inirolyo niyang ang mata bago umalis.

"She hates you now." Sabi ko pa kay May at pumunta sa bag ko para hanapin ang cellphone.

"Hate? Pakialam kos babaeng iyon. Katawan ko lang ang habol niya."

Umiling na lamang ako sa pagiging in denial niya.

Di mo lang tanggap na may babaeng nagkakagusto sayo.

Nang nakita ko ang cellphone ay agad akong nagtext kay Mila kung kumusta na siya.

This Child is Yours, ActorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon