CHAPTER 51: INTERVIEW

459 15 5
                                    


1 MONTH LATER

Ter's POV

Nanlaki ang mata ko sa nakita ko sa TV nang ipakita ng isang TV host ang isang behind the scene ng movie namin ni Faith na Secret Behind the Memories.

The one on the library. The obsessive mafia.

"Sa reaksyon mo palang ay halatang ngayon mo palang nakita." Natatawang sabi ng host na si Mark sa akin.

Nandito kami sa isang show para gawin ang isang interview tungkol sa movie na ginagawa namin ni Faith at Gill ngunit kami lang ni Faith ang naimbitahan rito.

Nagkatinginan kaming dalawa.

"Viral siya online." Sabi pa ni Mark. "So, let's talk about this behind the scene. You look so obsessive."

"Well, I have to portray that character and..." Sabay tawa ko.

I didn't know I did great on that scene. It's not what I expected it to be but I'm happy because it exceeds my expectations.

"Well, it looks natural to me." Sabi pa ni Mark at binigyan ako at si Faith ng makahulugang tingin.

Nagkatinginan kami ni Faith at biglang natawa.

Alam namin kung anong iniisip nila.

"Maraming clip ang kumakalat online. Ang bida talaga sa movie na ito ay si Faith at Gill." Sabay tingin ni Mark kay Faith. "Pero mas nagiging viral ang clip niyo ni Terrence. Why is that, Faith?"

"Ha?" Tumawa si Faith at tumingin sa akin.

Nagtilian naman ang mga audience na tinawanan ko nalang.

"Well, Terrence has a charm on her own and I think nowadays people like a possessive type of character and Terrence is a great actor." Sagot ni Faith.

"That's a one thing but... There's another clip." Tumingin na naman kami sa TV at nag play ang isang video doon lung papaano lumalabas pasok si Faith sa dressing room ko.

Ilang clip iyon na nagpapakita ng ilang araw niyang pagpasok labas niya sa dressing room ko.

Nagkatinginan kaming dalawa at pilit na ngumiti.

Faith was there because May was there! She wants May! Not me!

"Have I found out?" Faith jokingly said.

Nagtilian ang mga audience.

"Well, Terrence and I are very good friends. So, I constantly visit his dressing room just to have a chat and people could assume things. Just to make clear we're not the only one there. There's his PA, manager and driver."

"That's a very good friendship there. Narinig ko kay Direk Belle na close daw talaga kayo sa set."

"Kapag lagi mo silang kasama, magiging ka close mo talaga ang mga tao doon." Sagot ko pa.

"Okay." Sabay tango ni Mark ngunit alam kong di pa yan natatapos. Di pa soya kombinsido.

I know what he wants to know but unlucky him, there's nothing interesting happening between us.

Nagpakita na naman ng picture sa TV. Picture iyon sa IG ni Faith na nasa Spain.

I know what this is.

"I also heard about Direk Belle na nagbakasyon kayo together sa Spain."

Naghiyawan, sigawan at nagtilian na naman ang audience. Nakita ko ang tarpaulin nila na picture namin ni Faith.

"Uh-" sasagot sana ako ngunit hinawakan ako ni Faith para sabihing siya na ang sasagot. Hinayaan ko naman siya.

This Child is Yours, ActorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon