CHAPTER 20: END OF SEASON 1

404 11 4
                                    

Kim's POV

"Pasensya na sa kalat." Sabi ko habang nililigpit ang kalat na ginawa ni Jacob. "Jacob, anak? Nasaan ka?!" Sigaw ko.

Nandito lang siya sa salas kanina.

"Ma!" Sagot naman siya galing sa second floor sa kwarto ko.

"Pasok ka, Ter. Wag ka ng mahiya." Sabi ko nang makita siya nakatayo sa pinto.

Nang pumasok siya ay agad niyang pinasadahan ng tingin ang buong bahay.

"Walang masyadong nagbago." Tumango naman ako at ngumiti. "Upo ka. Anong gusto mo? Juice? Kape? Softdrinks?"

Nagulat naman siya sa sinabi ko at umiling. "No thanks." Napatingin siya sa second floor kaya napangiti ako.

"Nandoon parin ang dati mong kwarto. Halika!" Sabay akyat ko sa hagdan. Sumunod naman siya sa akin.

Nadaanan namin ang kwarto ko kung nasaan si Jacob.

"Jacob, nandito si Terrence." Napatingin naman sa amin ang anak ko at nahihiyang yumukod ag kumaway. "Let's go." Sabi ko kay Terrence at pumunta sa kwarto niya.

Binuksan ko iyon at pinapasok siya.

"Medyo maalikabok lang pero nandito pa ang mga gamit mo."

"Wow... Ganito parin..."

Napanatag ako nang makitang napangiti ko siya. Pumunta siya sa cabinet at umupo sa sahig sa harap nun. Isa-isa niya itong binuksan.

"Nandito parin!" Masaya niyang sabi nang makita ang mga CD ng paborito niyang mga pelikula.

Umupo ako sa kama. Kinuha niya isa-isa ang mga gamit na nandoon. Mga notebook at libro niya ay kinuha niya. Nakita niya rin ang mga lumang pictures namin.

"So? Anong ginagawa mo rito?" Tanong ko nang maramdaman kong napanatag na siya.

Napahinto naman siya sa ginagawa. Di siya tumingin sa akin at dahan dahang binaba ang litratong nasa kamay niya.

"Paano mo nagagawa iyon?" Mahina niyang tanong pero rinig ko naman. Agad akong nagsisi sa tanong dahil nawala na ang ngiti niya.

"Ang ano?" Mahina ko ring tanong.

"Paano mo nalalaman na may problema ako? Paano mo nalalaman na kaylangan ko ng kausap? Paano mo nagagawang pasayahin ako sa isang salita lang o bagay?"

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya at napaisip. Ngayon ko lang rin napansin na ganuon pala ako. Dala -dala ko parin ang ginagawa ko dati.

Ayokong nalulungkot siya dahil alam kong marami na siyang pinagdaanan sa buhay. Napakabait niyang tao kaya gusto ko lang na mabawasan ang bigat ng bibig niya.

"Siguro nasanay lang akong gawin sayo yun. Instinct kumbaga. Di ko kasi napapansin na ganun na nagagawa ko." Ngumiti ako sa kanya para asarin siya. Nawala na kasi ang ngiti niya baka mapangiti ko siya sa simpling biro. "Bakit? Kinokompara mo naba ako sa bago mo?" Asar ko.

Di siya sumagot kaya bigla akong nag-alala.

Ibig sabihin may problema sa girlfriend niya.

"You're the only one I can turn too. You know who am I. I'm comfortable with you but... I don't think she likes it."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya at di mapigilang ma excite. "Yun lang pala? Nagseselos nga! May chance kana!"

Dati nga pinagseselosan ko mga kaklase nitong mga high schoolers.

"So, she's jealous?" Sabay tango ko sa sinabi niya.

"Sabi ko na diba? Di lang niya masyadong napapakita! Pero ngayon di na niya napigilan! Halatang may feelings na siya sayo!" Sabay palakpak ko at tumabi ng upo sa kanya sa sahig. "Congratulations! May pag asa!" Sabay palo ko sa balikat niya.

Nawala naman ang ngiti ko nang umiling siya. Nandoon parin ang lungkot sa mukha niya.

"Anong problema?" Alala kong tanong.

Di ako makapaniwala na di ko siya napangiti.

"Sabi niya kahit na magkaroon siya ng feelings sa akin ay di niya ako papatulan."

Di ko naman mapigilang matawa sa sinabi niya. Sinamaan naman niya ako ng tingin dahil sa reaksyon ko.

"Ano ba?" Inis niyang sabi.

"Sorry! Di lang ako makapaniwala sa sinabi mo. Bat aayaw pa siya? Isang Terrence Quentes na ang naghahabol sa kanya!"

"Unfortunately, I'm just too low for her."

"Ha? Sino nagsabi? Siya?"

"No. Her friend."

"Wag! Wag kang maniwala." Sabay iling ko. "May sasabihin talaga yan kasi di ka gusto ng friend niya."

Napatingin ako sa picture na nasa kamay niya. Kaming dalawa yun na nasa salas. Selfie yun na pinadevelop ko kasi alam kong sisikat siya. Nauna na akong nagpapicture at may halik pa sa pisngi.

"She also told me that we lived in different world."

Kinuha ko sa kamay niya ang picture at tiningnan ito. Naalala ko tuloy ang nangyari sa amin noon at mga sakripisyo na kaylangang gawin para lang maibigay ko sa kanya ang mundong karapat-dapat na nasa kanya.

"Naalala mo yung tanong ko sayo na iiwanan mo ba ako pagsumikat kana?"

"Mmm..."

"Sabi mo hindi dahil mahal mo ko. Sabi mo pa nga, handa mo akong ipaglaban. Pinaglaban mo nga ako sa mga magulang mo, eh." Ngiti kong sabi. "This time. Fight for love. Just like you've always been doing. Lagi kang nananalo pag pag-ibig na pinag-usapan."

"Pano ko gagawin iyon? Kung siya na mismo aayaw sa akin?"

Nirolyo ko ang mata. "So, susuko ka nalang? Pwede rin? Tapos balik ka nalang sakin." Biro ko sa kanya.

"Eww... Ayoko."

"Grabe ka sakin, ah!" Sabay tulak kong bahagya sa kanya. "Advise ko lang, ha? Huwag ka munang sumuko ngayon. Magkakaroon na kayo ng anak, oh! Kahit na magpakatanga ka sa kanya gawin mo! Doon naman tayo masaya, eh. Sa pagpapakatanga!" Hinawakan ko ang likuran niya. "But when everything else fails, leave her."

Huminga siya ng malalim at tumango.

"She told me to not meet you again."

Napangiti ako sa sinabi niya. "Start on that then."

Napatingin siya sa akin. "Ayos lang sayo?"

Tumango naman ako kasi alam ko na di naman magtatagal ang pagkikita namin. Alam ko sa sarili na ang pag-uusap at pagkikita namin ni Terrence nung isang araw ay di magtatagal. Alam kong aalis rin siya at aabot sa punto na mawawala na talaga ang koneksyon naming dalawa.

Masaya na ako na nagkaroon na kami ng closure na para bang kaya ko ng mapag-isa sa hinaharap habang di siya iniisip.

"Pero tandaan mo payo ko, ah?"

____

"Salamat sa araw, Kim." Sabay yuko niya nang makalabas na siya ng gate.

"Ayos lang, ikaw paba?!" Nakangiti kong sabi sa kanya.

"Teka, bago ako umalis. May itatanong lang ako."

"Ano?"

"May rason ka ba kung bat ka nagpabuntis dati?"

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "No..." Sabay iling ko. "I told you it was an accident."

Dahan-dahan naman siyang tumango pero halatang di siya naniniwala sa sinabi ko.

"Ter, kasalanan ko iyon, okay?" Sabi ko sa kanya para di na siya mabahala. "Nalasing ako. Pasensya na talaga doon."

"No. No. It's fine." Ngumiti siya. Ngayon ay totoo na. "Then, good-bye, Kim." Sabi niya sabay pasok sa taxi na tinawag niya kanina.

Kumaway ako at ngumiti hanggang sa umalis ito. Doon lang nawala ang ngiti ko at dahan dahang binaba ang kamay nang mawala na ito sa paningin ko.

Napatingin ako sa picture namin na nasa kamay ko.

"I'm glad I got to see you leave this time." Malungkot kong sabi sa litrato niya.

Dinala ko ito sa labi para mahalikan.

"Just like before, you really don't know me."

This Child is Yours, ActorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon