CHAPTER 13: JEALOUS

487 13 1
                                    

Ter's POV

Talking with Kim brings nostalgia and closure on what we had before. Just like what I expected she cleared my mind and made me realize a lot of things.

Kim and I now back to being friends. I'm just glad I could let go the guilt I felt after leaving her.

But now, Mine and Kim's story is all in the past and I'm in the present now which is a new challenge for me.

Bumalik ako sa bahay na gabi na. Tatlong oras rin akong nawala. Wala nang masyadong tao sa bahay. Ang naiwan nalang ay mga relatives ko.

"Ter, nandito kana pala. Kumain kana?" Tanong agad sa akin ni tita Winnie nang lumabas ako sa pick up.

"Opo, tita. Busog pa ako."

Tumingin ako sa pinto ng bahay.

There's a part of me that's scared to face Mila. What she said earlier to me hurt me so much but it made me realize that I just have to work harder.

Nasanay lang ako na nakukuha ko ang mga bagay na gusto ko lately dahil sa kasakitan.

Baka lumaki na ang ulo ko .

Ang dapat kong gawin ngayon ay magtyaga pa. Alam kong madali lang akong mahalin kaya di ako susuko.

Pumasok ako sa bahay at narinig ko na agad ang tawanan na nanggagaling sa kusina. Dumiretso ako sa kwarto ko kung nasaan ko iniwan si Mila pero wala siya doon.

Agad akong natakot at lumabas.

Where is she?

Did she left?

Did she get annoyed?

Maraming tanong ang namayani sa utak ko ngunit nawala iyon nang narinig ko ang boses niya kusina.

Agad akong pumunta sa kusina at nakita ko siyang tumutulong na maghiwa ng mga rekado.

Nakahinga ako ng maluwag nang makita siya na nakikipag usap kay mama.

"Mila, I thought you're in bed." Alala kong sabi sabay lapit sa kanya.

"I just woke up." Sagot naman niya sabay angat ng tingin. "You're here." Niyakap ko siya mula sa gilid.

"Ang sweet naman ng anak ko." Kilig na sabi ni mama.

"Lagi po siyang ganyan. Clingy siya." Sabi ni Mila kay mama.

Natigilan naman ako sa ekspresyon na ginawa niya.

She's smiling.

Minsan lang ngumiti si Mila at nakikita ko lang iyon pagkami lang dalawa. Ngayon ay ngumingiti siya kay mama.

Parang may naramdaman akong kakaiba.

Hinigpitan ko ang yakap kay Mila at idinantay ulo ko sa balikat niya.

"I can't move, Ter."

Doon ko na lamang napagtanto at lumayo sa kanya.

"Sorry." Sabi ko.

"Alam mo, Ter. Napakasimpli lang ni Camilla. Ang ganda pa." Ngiting sabi ni mama.

"Thanks po." Sabi naman ni Mila at bumalik sa ginagawang paghihiwa.

"Saan kaba galing, Ter? Iniiwan mo tung si Mila." Biglang saway ni mama.

"Uh..."

"Kay Kim, nay." Napatingin ako sa nagluluto na si Nene. Pinsan ko siya. Nanliit ang mata ko sa kanya. Alam naman niyang ayaw ni mama kay Kim.

"Hay naku, Ter! Ano ba?! Akala ko ba tapos na kayo ng babaeng iyon?!" Galit na sabi ni mama.

"We're done!" Sabi ko kay Nene. Tumingin ako kay mama at umiling. "Tapos na kami." Tumingin naman ako kay Mila. "Tapos na..." Naging mahina ang boses ko nang makitang wala naman siyang pakialam.

This Child is Yours, ActorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon