CHAPTER 19: OLD HOUSE

492 11 6
                                    

Mila's POV

Damn it! Damn it!

Bakit ngayon pa?

Sumalubong ang malakas na hangin habang patungo ako sa private jet ko. Nakita ko ang mga tauhan ko na nasa labas na at hinihintay ako

Di ko na napigilan ang inis at sinampal ko na ang isang tauhan ko na lumapit sa akin para kunin ang gamit ko.

Lahat sila natigilan sa ginawa ko at bahagyang lumayo. Marahas kong hinagis ang bag ko sa harapan nila bago ko sila nilagpasan at pumunta na sa private jet.

Si Felix ay nasa gilid ng hagdan naghihintay sa akin. Yumukod siya at binati ako ngunit di ko siya pinansin at naunang ng pumasok sa jet.

Agad akong napaupo sa upuan at marahas na bumuntong hininga.

Isang oras na ang nakalipas nang makatanggap ako ng tawag galing kay Felix na nandito siya sa probinsya at sinusundo ako dahil nagkaproblema sa pamilya De Vera.

The head of the Family wants me to be at Spain right now.

It's emergency and I know when the head ask for an urgent meeting it mean it's emergency, important and urgent.

Naiinis lang ako kay Felix dahil di niya pinigilan si Raven na sundan ako. Sa tingin ko rin sinabi ni Raven ang nalaman niya sa pagsunod niya sa akin kaya sinumbong niya sa De Vera.

T*ngina niya!

Lumapit naman si Felix sa akin.

"Boss, I'm so sorry-"

"Felix, pwede ba? I'm tired." Sabay tingin ko sa bintana para lang maiwasan siya.

Di ko naman mapigilang malungkot nang maalala si Terrence.

He's hurt, I know that but what he wants could never happen.

Getting to get married, having a family, it was possible then but... It will be complicated now.

Bumuntong hininga ako.

"Felix." Tawag ko habang di winawala ang tingin sa bintana.

"B-boss?"

"Remember what I told you about being PA of Terrence? I want you to do that."

"W-what?"

"Assist him on everything he needs."

"B-but who will assist you in Spain?" Alala niyang tanong.

Marahas akong napabuntong hininga at matalas siyang tiningnan.

"Do what I said. I can handle myself." Nag iwas ako ng tingin. "But Terrence... You're not there just to be his PA but also there to protect him."

Natatakot ako na baka may manggulo kay Terrence habang wala ako.

"And report things to me, okay?" Dagdag ko pa.

____

Terrence's POV

"Ayos ka lang, anak?" Alalang tanong ni mama nang nakitang nag eempake na ako.

Binigyan ko siya ng ngiti para mapanatag siya. "Opo, ma."

"Bat nauna si Camil? May pinag-awayan ba kayo?"

Natigilan naman ako sa tanong ni mama kasi pati ako ay di ko alam.

"Ganyan talaga mga babae minsan, nak. Minsan may topak." Mahina siyang tumawa. Ngumiti lamang ako kay mama. "Pero sana di niya iyon ginawa. Iwanan kaba naman dito."

"May emergency rin po sa kanila. Kaylangan niya puntahan."

Natahimik naman siya. Sinara ko ang bag ko at napatingin sa kanya dahil alam kong may sasabihin pa siya. Halata sa mukha niya na gusto niyang magsalita.

"Bakit, ma?"

"Ano bang estado ni Camilla sa buhay?"

"Uh... Bakit niyo po natanong?" Sabay iwas ko ng tingin dahil di ko rin alam.

"Wala naman... Pansin ko lang na sanay siya sa gawaing bahay."

Tumango naman ako. Ngayon ko lang rin nalaman na sanay siya.

"Saan mo nakilala si Camil?"

"Uh..." Umiling ako. Di ko alam anong sasabihin. "Sa work." Tipid ko nalang na sagot.

"Ah..."

Kinuha ko ang bag ko at aalis na sana ng kwarto nang magsalita siya.

"Paano si Tina? Akala ko kayo nun?" Natigilan ako sa sinabi niya at napatingin sa kanya. "Oh di kaya si Diane? Diba love team mo yun?"

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya at dahan dahang napailing.

"Sayang naman sila..."

"Anong pinagsasabi mo, ma?" Di makapaniwala kong tanong.

"Wala! Nag-aalala lang ako kasi... Mataas ang estado mo sa buhay habang si Camil... Average lang."

Di ako nakapagsalita sa naririnig ko galing sa kanya. Akala ko ba gusto niya si Camil. Masaya siya pagkasama si Camil.

"Wala na bang iba, nak?" Biro niyang tanong. "May vibe kasi siya na kagaya ni Kim."

Napaatras ako sa sinabi niya. Alam kong mapili si mama pero hindi ganito kamapili.

"Hinuhusgahan mo ba si Camil basi sa estado ng buhay niya?" Di makapaniwala kong tanong.

Si Camil ay di binubulgar ang estado niya sa buhay. Sila mama, di nila alam na dahil kay Camil nakuha namin yung cabin. Simpli lang rin manamit si Camil, ni di mo makikitaan ng ilang pirasong alahas sa katawan.

"Gusto mo ba talaga siya?" Sabay tawa niya.

Mahina akong natawa dahil di na ako makapaniwala kay mama. Alam kong may pagkasosyal itong si mama ngunit di ko naman naisip na hanggang sa buhay ko ay pipiliin niya kung sino ang gusto kong maging asawa.

"Ma, buntis si Camilla." Sabi ko sa kanya na para bang bomba na biglaan nalang na sumabog.

Nanlaki ang mata ni mama sa gulat.

"Dinala ko siya rito para makilala niyo at sabihin sa inyo pero nagkaroon siya ng emergency and I really have to go now."

Nilagpasan ko siya para makapunta sa pinto ngunit di pa ako nakakalabas ay nagsalita na siya.

"Wala kang utang na loob." Sabi niya.

Napapikit ako sa sinabi niya at nakaramdam ng galit sa dibdib. Huminga ako ng malalim para maikalma ang sarili bago lumabas ng kwarto.

_____

Nag commute lang ako at di na nagpahatid dahil gusto ko munang mapag isa at busy sila sa pag uusap tungkol sa pagbubuntis ni Camilla.

Hanggang ngayon ay naguguluhan parin ako ngunit di ko naman akalain na makikita ko ang sarili ko sa harap ng bahay na dati kong tinitirhan.

Di ako nagpahatid sa airport kundi rito sa bahay na naging tirahan ko.

Nakatanga lamang ako doon. Simpling bahay lang iyon. May second floor siya. Lumang bahay iyon na di na kayang ipa-repair. Ang bakal na pader ay napapalibutan ng mga halaman.

Alam ko kung bat ganuon reaksyon ni mama. Dati ko pang napapansin ngunit akala ko ay nagpapakananay lang siya. Kaya ko pang itanggi dati ngunit di ko na kinaya ngayon.

Nanliit siya ng tao at halatang napaka-peke. Di siya magpapakita ng motibo na di ka niya gusto habang nag-uusap kayo ngunit sisiraan ka naman niya pagnakatalikod na kayo.

I know I'm the only son, I know I must be protected at all cost but I'm already 29, can I choose who I want to be with?

But the person I want to be with doesn't want to be with me.

"Pasok ka kaya?" Sa sobrang lunod ko sa pag iisip ay di ko na napansin na nasa gate na pala si Kim.

Nakangiti siya habang nakakrus ang braso sa dibdib.

Tiningnan ko lamang siya.

I shouldn't be here. Camilla will get angry again. But this will be the last time. I have to say goodbye to Kim.

"I'm sorry to intrude."

Natawa naman siya sa sinabi ko. "Parang di nakatira dito dati. Halika, pasok! Pasalamat ka Sunday ngayon at walang pasok."

This Child is Yours, ActorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon