💀Creepy Prologue💀

8.8K 271 23
                                    


Habang tinatahak ko ang isang tulay under the heat of the sun, nakakita ako ng isang napakagandang babae na sa tingin ko'y kasing edad ko. Suot niya'y isang dilaw na bestida then paired with black kitten heel shoes. May suot rin siyang puting sombrero na ang desinyo ay nababagay sa panahong ito.Hanggang baewang ang buhok niyang kasing itim ng charcoal tapos namamangha ako sa ganda ng kayumanggi niyang balat.

Nasa kabilang side siya ng tulay na ito.Sinasabayan ko siya sa paghakbang habang walang sawa kong tinititigan ang maganda niyang mukha.

Hindi ko siya kilala pero gusto kong makilala siya ngayon. If I can't take my sight from her, maybe ito ang tinatawag nilang 'Love at First Sight'.

Kaso, hindi ako naniniwalang love 'yon agad kaya para sa'kin, 'Crush at First Sight' ko siya.


Hanggang sa tumigil siya sa paglalakad, ako rin. Nahalata niya yata ang todo tingin ko sa kanya. Tumingin siya sa kinaroroonan ko ngayon. Dito ko napansin kung gaano kaganda ang mga mata niya. Parang agad kong nadama ang pasko dahil sa kislap ng mga mata niyang parang Christmas lights.

Ang akala ko, hindi niya ako papansinin pero 'di ko inasahan ang pagngiti niya sakin. Mas lalo niyang pinapainit ang araw ko ngayon.

Sa totoo lang, okay lang sakin na masunog dahil sa init ng panahon basta't makita ko lang ang ngiti niyang kay ganda.

Napangiti na rin ako tapos kumaway. Tumagal ng ilang minuto ang pangiti-ngiti ko sabay kaway kaya natawa tuloy siya. Masaya ako't napasaya ko siya kahit ginawa kong tanga ang sarili ko.

I made some steps and look at the right and left to cross the road papunta sa kinaroroonan niya.


Malapit na ako sa kanya...

Pero...


Bigla nalamang may dumating na motorsiklo!

It blocks me from coming closer to her!

Minamaneho ito ng isang lalaking may suot na itim na jacket at itim na helmet.

Nakita kong takot na takot ang magandang babae lalo na 'nong nilabas ng lalaki ang baril nito.

Agad akong umalerto para pigilan ang lalaki sa masamang balak nito!


*Bang!*


Ngunit...


Huli na yata ako. Nakita ko kung paano niya barilin sa ulo ang inosenteng babaeng 'yon. Nakita ko rin kung paano siya dahan-dahang natumba.

When she falls on the ground, nakita ko rin ang pagdanak ng dugo niya.

Alam kong huli na ako para iligtas siya ngunit hindi ko palalampasin ang taong may gawa nito sa kanya!

Sinubokan kong labanan ang lalakeng gumawa nito sa kanya! Sinubokan kong agawin sa kanya ang baril!

Matanda na siya at napakabata ko pa kaya napaka dali para sa kanya ang itulak ako palayo!

"Ugh." At heto nga. Tumilapon tayo.

Nagawa ko pang magmatapang at tumayo habang itinutotok niya sakin ang baril niya.

"MALAPIT NA YONG MGA PULIS!"--Sigaw nong babae kaya naagaw niya ang atensyon ng masamang lalake.

Kaya! Nagkataon akong sipain ang--LOWER niya!Basta! Alam niyo na yan!

Nakuha ko yong baril!

Naririnig ko ang mga tao sa paligid ko na sigaw ng sigaw dahil sa pangyayaring 'to!

Sinubokan niyang agawin sakin ang baril kahit tinitiis niya yong masakit sa kanya pero huli na yata ang lahat...




*Bang!*

*Bang!*


Nagawa kong barilin ng pangalawang beses ang lalaking 'to sa leeg niya. Nang nagawa ko 'yon, agad ring natumba ang lalaki sa baba.


Nanginginig ako ngayon habang palipat-lipat kong tinitignan ang lalaking nakahandusay sa baba at ang baril na hawak ko.

Maraming taong lumapit doon! narinig ko rin ang pagdating ng isang pulis car.

Nilapitan ako ng isang pulis para ibaba ang baril na hawak ko at para pakalmahin ako.

Pero hindi ko kayang igalaw ang buong katawan ko lalo na 'nong makita kong may lumalabas sa mga katawang nakahandusay sa baba.


Mukha itong usok na hugis tao.

Pero hindi lang ito basta-bastang hugis tao dahil may mukha sila. Nakita kong kamukhang-kamukha ng usok na hugis tao ang babaeng sinubukan kong iligtas kanina.


Naging mukhang usok man sila, kitang kita ko ang patuloy na pagdanak ng dugo nila na galing a sugat na meron sila.




"AHHH!"






I shouted at nabitawan ko ang dala kong baril.


Bakit may nakikita akong ganito? Nakikita rin ba ang usok na ito ng ibang tao dito?


Di kaya ang mga usok na'to...


...ay ang kaluluwa nila?




Nangyari ang pangyayaring 'yon noong 13 years old pa lamang ako. That was 6 years ago. Yet this nightmare of mine isn't over.

Simula sa araw na 'yon, nakakakita na ako araw-araw ng mga ligaw na kaluluwa sa kahit saang sulok ng mundong ginagalawan ko. Nakakatakot ang mga mukha nila. Kadalasan sa kanila ay parang naliligo sa dugo.

I'm scared.

I can't sleep properly.

Everyone thought I'm crazy.

I'm hopeless.


But my lucky night suddenly came.


I saw a not so scary ghost with a strange girl na walang malay.




That Ghost told me about the rarest imaginary Creepy Red String attached between me in this unconscious girl.

Pakiramdam ko,dumating na yata ang sulosyon sa napakalaki kong problema.


Pero ano kayang magiging papel ng babaeng walang malay na ito? Ano naman kaya kung konektado kami through this imaginary Red string?




Well, I only have one wish now.


I wish that this creepy red string connection between us...












will be a way for me to come out from my nightmare at last.


_________________________________________________________________




AN: Hi Guys! I'm back with my new story. hahaha! Horror ito at iba na ito sa TIR but I will put something (small details tho) na maiconnect sa TIR para mas masaya. Actually, hindi ito 'yung tipong horror na manginginig kayo sa takot. May nakakatakot (siguro) but I'll try to make it entertaining, too.

Sana magustuhan niyo please. hehehe! :-D I will do my best na pagandahin ito. xD

salamat sa pagbabasa! Please do comment, please vote and continue reading!

God Bless!

__PR

Creepy Red String Attached [ C O M P L E T E D ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon