Biglang bumilis ang pagtakbo ng sasakyan na napunta sa ewan na direksyon at!BOOM!
That accident...
Not just killed young people but also killed their dreams for tomorrow.
Alistong naglakad si Jegudi patungo sa nasusunog na bus at nang mapansin niyang hindi kami sumusunod sa kanya, napahinto siya at sumulyap samin.
"Ano pa bang hinihintay niyo?"--Jegudi.
Napalingon ako kay Jennifer na todo takip sa bibig niya dahil sa sobrang gulat. Nakita ko rin na napanganga si Luiji. Si Jana naman, tahimik lang ngunit nararamdaman kong medyo kinakabahan siya sa aksidenteng 'to.
"Si-sige."--Garalgal na wika ko. Tsaka gumalaw na ako at sumunod na kay Jegudi.
Sumunod na rin sila Jana, Luiji at Jennifer.
Habang nasusunog ang bus, naririnig namin ang mga sigaw ng mga taong nasa loob. Nagsitayuan ang mga balahibo ko at parang nahihirapan akong huminga dahil sobra akonv kinakabahan at nagu-guilty dahil wala man lang akong ginagawa.
Napatakip taenga ako. Ang naririnig ko na lang ngayon ay ang maingay na pag tibok ng puso ko at ang mabibigat kong hininga.
Nakita kong tumulo ang luha sa mga mata ni Jennifer. Alam kong nararamdaman rin niya ang nararamdaman ko.
Maging si Luiji, parang naging blanko ang ekspresyon niya sa mukha.
" Bakit wala tayong magawa para iligtas sila?"--Jennifer.
Tanong niya kay Jana na nasa tabi niya.
"Hindi tayo dapat mangengealam sa magiging kapalaran nila. They are destined to die then so be it. "--Jana.
We waited for about five minutes at nag signal si Jegudi na abangan na namin ang mga kaluluwang lalabas sa bus.
" ahhhhh!"--Sigaw ng mga kaluluwang lumabas sa bus. Lahat sila ay nagsitakbohan palabas para iligtas ang mga sarili. Pero hindi nila alam na patay na sila.
"Tulong! Yong kaibigan ko po! Iligtas natin siya!"--babaeng multo. Nagawa pa niyang hawakan ako. Ang lamig niya dahil siyempre, kaluluwa nalang siya. Nakakalungkot isipin na sa puntong ito, naiisip niya parin ang kaibigan niya.
Natataranta ang mga kaluluwang ito dahil nakikita nilang dahan-dahang nilalamon ng apoy ang bus nila.
" Dito tayo."--Luiji.
Wala muna kaming sinabi tungkol sa totoong kondisyon nila. Nilayo muna namin sila sa nasusunog na bus.
BOOM!
At nang medyo malayo na kami ay siyang pagsabog ng bus ulit!
"Sana naman, ligtas tayong lahat."--Estudyanteng multo na nasa likuran ko.
Parang naiiyak ako nang marinig ko yon. Paano kaya pag sabihin naming hindi sila nakaligtas? Hindi ko lubos maisip yong magiging reaksyon nila.
May isang kaluluwa na iyak ng iyak habang tinuturo niya ang isang putol na braso na tumilapon di kalayuan samin nang sumabog ang bus.
" Ahhhhhh! Braso ko 'to! Sigurado ako! Relo ko 'to! Ahhh!"--estudyanteng kaluluwa.
Dahil sa kaluluwang yon, nag kagulo ang lahat. Tinatanong nila kami--na hindi naman makasagot.
Paano namin sasagotin ang mga katanungan nila?
"Lahat kayo...patay na kayo."--Jegudi.
Walang pagdadalang isip na sinabi ni Jegudi sa kanila. Natigilan ang lahat at napatingin kay Jegudi.

BINABASA MO ANG
Creepy Red String Attached [ C O M P L E T E D ]
TerrorKael was just a usual 13 year old kid not until he witnessed a gun shot incident right in front of his eyes. Eversince then, he got the ability to see wondering ghosts in any corner of his everyday living space for around five long years up until h...