இ Chapter Eighteen: Creepy Laughs

724 44 2
                                    

Bago pa kami ma involved sa criminal case nato, agad-agad na kaming umalis dito tska tumawag na ng mga pulis.

Pero bago kami umalis, nakita na namin ang mga maiitim na kaluluwa na lumiwanag na parang binalatan sila at naging mapuputing kaluluwa.

Nagpapasalamat sila dahil sa wakas daw ay iniligtas namin sila sa mga kamay ng mga isang masamang demonyo.

Isa sa kanila ay ang kaluluwa ng anak ni Manang Lourdes na nalulungkot sa sinapit ng mama niya.

"Ano bang mangyayari sa mama ko?"--Sa naalala ko, Larry ang pangalan niya.

Ang tinatanong niya ay si Jana at nasa likuran niya ako. Nang lumayas pala kami, mabuti naman at nagising rin si Jana at hindi na kami nag-aalala kung paano namin siya buhatin palabas ng nakakatakot na apartment na yon.

Sumunod ang batang multong nato sa amin. Nasa labas na kami siyempre ng apartment kung saan nagkagulo ang lahat. Yong ibang mga multo na pagkatapos bumalik ang tunay nilang mga anyo, agad na silang pumunta sa kabilang buhay.

" Mukhang dadalhin ang mama mo sa institution kung saan aalagaan siya."--Jana.

Bukod sa sinapian si Manang Lourdes, talagang medyo hindi na maayos ang pag-iisip nito. Kaya mukhang sa halip na sa presinto ang bagsak niya, mukhang sa mental institution na.

"Ayoko munang umalis. Dahil hindi ko iiwan ang mama ko. At! gusto kong magpasalamat sa inyo, mga ate, kuya. Patawad kung hindi pa ako tatawid sa kabilang buhay."--Larry.

Ngumiti ito tska nag paalam na at bigla nalang nawala.

Then we looked at each other, including Jegudi. Hindi pa kami masyadong nag-uusap tungkol sa sinabi ni Jegudi kanina na member na ulit sina Luiji at Jennifer sa team Creepy.

" Jegudi! Thank you!"--Jennifer. She broke the silence and she happily open her arms, ready to hug Jegudi.

Kaya naman naming mahawakan ang multong tulad ni Jegudi kasi kakaibang multo siya. He can make himself untouchable or not.

And as of this moment, he's untouchable.

"Ahh--"--Jennifer. Kaya nawalan ng balanse si Jennifer! Madadapa na siya!

" Hoy--"--Luiji.

My expectations ay sasalohin ni Luiji si Jennifer! Siya kasi ang malapit whereas ako, mahihirapan akong abotin si Jennifer at baka naman pati ako, mawalan rin ng balanse.

Cliché part ng pangyayaring 'to, magkakayakapan sila. Kung umepal ako, pati ako,makiki sali na rin sa yakapan nila. Sheyt lang?

Pero teka! Huh?

Ang ginawa ni Luiji, hinila nito ang naka pony tail nitong buhok na parang hinila niya nahuhulog na pineapple na galing sa puno. Teka, ang gulo ko, sa puno ba tumutubo ang pineapple? Makapag google nga mamaya.

"Ouch!"--Jennifer. Sabay hawak nito sa ulo niya. Nagawa na rin niyang makapag balanse ng katawan kaya nakatayo na nang maayos at hindi pa pinapakawalan ni Luiji ang buhok niya.

"Tskk! Ano! Makikipag yakapan ka eh alam mo namang minsan lang yan nag papayakap yang potcha na multo na yan."--Luiji.

Tapos binitawan na ni Luiji ang buhok niya pero dahil mukhang madulas ang buhok ni Jennifer, nakaoag comditioner yata, natanggal sa pagkaka pony tail ang buhok niya, nakuha ni Luiji ang tali niya at nang bumaba ang buhok nito, nagba-bounce ito at medyo humangin pa kaya kahit medyo ma distansya ako kay Jennifer, naaamoy ko ang bango ng shampoo niya.

For a guy like me, isang malakas na pindot sa on switch ang ganito.

Yeah, I like girls with fragrant hair. Pero hindi ko pinapantasya si Jennifer ha! I just think she has become more attractive just now.

Creepy Red String Attached [ C O M P L E T E D ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon