இ Chapter Nineteen: Creepy Confessions

803 41 4
                                    

Biglaan ang nangyari.

Pagkatapos naming magtitigan ni Jana, hindi na namin nagawang umangal sa hila ni Jennifer sakin at hila naman ni Luiji sa kanya.

Humahawak si Jennifer sa braso ko ngayon habang nag-lalakad kami sa tabi ng daan. Kanina pa kami hindi nagsasalita. Nahihiya kasi ako tska naninibago. Parang sinapian si Jennifer ng masamang ispirito na obsessed na obsessed sakin.

"Aham. Saan ta-yo?"

Natigilan kami sa paglalakad nang magsalita ako. Mas humigpit ang pagkakahawak niya sa braso ko. Nakatingin ako sa kanya ngayon at nakikita ko sa mukha niya na parang kinakabahan siya.

"Kael, saan mo gustong kumain?"--Jennifer.

Nahihiya ako sa tanong niya. We are like dating na parang ako yong babae at siya naman ang lalake na gagastos ng pagkain.
Teka lang ha, Ano ba yong naisip ko?ano ba'to? Is this a date?

" A-no 'to? I mean... Why did you...ahmmm. Is this some kind of a de-de date?"

Mas lalo ko siyang pinakaba. Bumitaw siya sa pagkakahawak sakin at palipat-lipat ng tingin niya na parang naghahanap siya ng maisasagot.

"O--okay. Hahaha! Baka naman may gusto kang sabihin sakin at saka muna sasabihin sa dalawang yon? T-tama ba?"

Kinakabahan rin ako sa mga sinasabi ko. Di ko kasi alam kung anong sasabihin ko! First time ko na pinilit ng isang babae na lumabas para kumain. Na parang she's asking me out.

"T-tama nga, Kael. Hehe--hehe."--Jennifer. She's awkward.

Napatago lips ako sa sobrang awkward. Kunting tulak nalang, feeling ko, lalayas natong kaluluwa ko! Hindi kinaya ang awkwardness!

" How about an Italian restaurant? Do--you eat ahmm pasta? Carbonara? "--Jennifer.

Sabay hawak niya sa nanlalamig kog kamay.

" Ha-ha? Italian?"

Tska pakiramdam ko, parang may niloloko ako. Parang natatakot ako na may makakita samin na hinawakan niya ang aking kamay. Tsaka may napansin pa ako sa kamay niya.
May peklat siya! Sa kamay! Pero hindi naman masyadong halata. Ngayon ko nga lang napansin.

Hindi ko pala magawang kumawala sa kanya kasi baka mabastos ko nga siya. Gentleman ba talaga ako o pasimpleng galawang-hokage?

"Yup. Italian Cuisine?"--Jennifer.

Italian talaga? May mabibili bang Italian Cuisine sa halagang 50 Pesos?

" Hahaha! Huwag na! Busog ako." Sabi ko tsaka kunwari malaki tiyan ko kaya napahingang malalim ako at pinalaki ito pagkatapos ay napapikit-pikit pa na parang nag-uumapaw na ang kabusogan ko!

Pero biglang...

Gruuuuu!

"That was your tummy! You are hungry, Kael! Hahaha"--Jennifer.
Pagkatapos ay natawa siya.
Sa lahat ba naman ng panahon, bakit ngayon pa nagpapakitang gilas ang tiyan nato?

"Yon? Hindi. Mga minions yon. Tinatawag ang lider nilang si Gru. Hahaha!"

Hindi niya pinakinggan ang pagsisinungaling ko at hinila ako papunta sa isang Italian Restaurant!

Pero hindi pa kami nakapasok doon dahil umangal ako!

"Kael, pumasok kana."--Jennifer.

Tsaka parang bata ako dito na hindi nagpapahila sa mama niya papasok ng resto.

"Ahaha! Jennifer, tska ko lang pala naalala na nangangati ako kapag kumakain ako ng pasta, Carbonara! Basta! Any Italian Cuisine!"

Ang totoo, nangangati na ang bulsa ko. Palatandaan na hindi kasya pera ko para sa resto nato. I am the guy here at nakakahiya kung siya ang magbabayad!

Creepy Red String Attached [ C O M P L E T E D ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon