இ Chapter Twelve: Creepy Kiss

1.5K 52 18
                                    

Chapter 12: Creepy Kiss 

Agad kong binuksan ang mga mata ko ko sabay hinga ng malalim nang naramdaman kong may dumadampi sa labi ko.

"wa—hmm--" Eh! Hindi ko magawang sumigaw! Dahil...dahil...

Nasa harapan ko ngayon si Jana. At hindi lang kaharap...we are very very close. Yong close talaga na walang space!

I am now...kissing her. I mean, wala siyang malay habang magkadikit ang mga lips NAMIN! Pero teka, hindi ito ang issue ngayon. Is she still alive?

Dahan-dahan akong bumalikwas tsaka nakasandal siya sa katawan ko.

Wala parin siyang malay.

"JANA!JANA!" habang niyoyogyog ko siya.

Ano nga bang nangyari kanina? Hmmm...Nawalan ako ng malay kasi bigla akong nawalan ng hininga. Bago nangyari yon, nawalan na ng pulso si JANA!

Agad kong ichineck ang pulso niya.

"SALAMAT NAMAN!" sigaw ko tska nabigla ako sa biglang pagtulo ng luha ko sa kanang mata ko. Lakas kong maka One side tear.

"ugh...hm"—Jana. Gumagalaw na si Jana! At nagawa na niyang kumapit sakin ng mahigpit kahit hindi pa niya binubuksan ang mga mata niya. Mukhang pinapakiramdaman niya ang paligid niya.

"Ja--"

"ugh...haa..ugh"—Jana. Mukhang hinahabol pa niya ang hininga niya. At habang kumukuha siya ng hangin, ULIT, gumalaw siya at dumikit na naman sa mukha ko. Ang dikit na naman namin! Yong ilong niya! BUMABANGGA SA ILONG KO! JANA! MAGKAMALAY KANA! ANONG GINAGAWA MO!?

"ugh..."—Jana. Dahan-dahan niyang binuksan ang mga mata niya. For the first time, na realize kong ang ganda ng kilay at pilik mata ni Jana. Mas close up kasi yong nakikita ko kaya na-aappreciate ko. Hindi ako insecure. Hahaha.

"Ka-el?"—Jana. Nang matauhan siya kung sino ba'tong nasa harapan niya.

"Yeah?" Sabi ko sabay iwas sa mga tingin niya. Ewan ko ba pero parang nahihiya ako sa nangyari kanina. Yong halik...yong nose to nose! Wah! Wala akong kasalanan! Inosente ho ako!

"Anong--"—Jana. Mukhang alam ko na yong sasabihin niya!

"Sorry!Sorry Jana! Hindi ko sinasadyang halikan ka at makipag nose to nose sayo! That was purely an accident! Sorry! Sorry!---"yeah—pinutol niya ang mahaba-haba ko sanang explanation sa pagiging inosente ko. At alam niyo ba kung anong ginamit niya para putolin ang kakaPUTAK ko?

*Slap*

"Wah!ANSAKET!" Sabay hawak ko sa pisngi ko. Sinampal niya ako!

"ANO? ANONG---HALIK? ANONG NOSE---TO NOSE?"—Jana. Sabay hawak sa labi niya tska---*Slap* sinampal na naman ako ulit.ulit.ulit.side by side ng paulilt-ulit. Parang pancake na pinagsasampal ng sandok.

"Tama na Jana! Sorry na! Sorry na! Tama na!" habang pinagtatakpan ang namamaga kong mukha! Ibang klase rin kasi manampal ang babaeng 'to. Isipin niyo? Imbes palad, parang kamao yong nafefeel ko habang pinagsasampal niya ako! Ang shit talaga.

"Jana tigilan mo--"

Sa wakas! Natigilan ko rin siya! Nahawakan ko rin ang magkabilang kamay niya.

Natigilan kami habang nakatitig sa isa't isa.Which is awkward.

"私はあなたを嫌い、バカ Watashi wa anata o kirai, baka (kainis ka.Baka[stupid].)"—Jana. Sinabi niya yon in a soft way. Hindi ko man maintindihan, feeling ko naiinis siya pero malambot yong pagkabigkas niya. Bakit naging soft yong pagkasabi niya? Teka bakit soft? Hinawakan ko ba?

Creepy Red String Attached [ C O M P L E T E D ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon