Chapter Eight: Creepy Illusion
Napaka weird ng pakiramdam ko habang kumakain ng fried chicken at burger. Masarap naman ang pagkain pero bakit feeling ko hindi totoo 'tong kinakain ko?
Maging ang mga tao sa paligid ko, feeling ko, mga manikang gumagalaw lang.
"Jana, uwi na tayo." Sabi ko kay Jana na abalang-abala sa pag kain.
"Hindi pa ako tapos."--Jana.
Tsk! wala ba siyang nararamdamang weird sa lugar na ito? Hindi ba sila nakakatakot kay Wcdonalds? Kung iisipin ko lang ang make-up niya, parang hihimatayin ako sa takot.
"May gumagambala yata sa isipan mo, Kael."--Jennifer.
Nag-aalalang sabi ni Jennifer sakin. Kumakain siya ngayon ng mashed potatoes.
Gusto kong umiyak sa takot! pero dahil siya ang kaharap ko, minabuti kong itago ang luha sa ilong ko para maging sipon.
ako na ang weird. tsk.
"Hmm. Iniisip ko lang kasi na baka mas maganda kong mag hanap pa tayo ng mas magandang mapagkakainan. Medyo boring kasi ang pagkain dito. Gusto ko kasi...yung pagkaing may excitement." na may tonong pa charming pa.
Natawa naman si Jennifer.
Umepal naman si Luiji.
"Insan, kailangan mo ng ketchup."--Luiji.
May pangiti-ngiti niyang inabot sakin ang isang bote ng ketchup.
Agad ko 'tong binuksan and add it on to my burger. Mukhang tama siya. Ketchup lang yata ang kulang sa pagkaing 'to.
Nang kinain ko ulit ang burger kong may ketchup, agad akong napatayo sa kinauupuan ko!
"Pwe!Pwe!Wohoooo!ANGHANG!"
pakiramdam ko, sasabog na talaga ang bibig ko! Wahh!
"That's excitement."--Jennifer.
Pinagtatawanan ako ni Jennifer, Luiji, Jegudi at ni the grudge (Melanie).
Si Jana naman, walang pakialam.
kainis. pft.
"Bakit sumasabay ka sa pagtawa ko?"--tinanong ni Jennifer si Luiji.
Napakunot noo ang pinsan ko.
"wow ha? Kailangan ko bang humingi ng permiso sayo? Sino ka ba?"--Luiji.
pinagtaasan siya ng kilay ni Jennifer.
"Ayaw ko kasing may impaktong sumasabay sa tawa ko."--Jennifer.
"akala mo siguro gustong-gusto kong sumabay sa tawa mo?assuming."—Luiji
The last time I remembered, patay na patay si Luiji kay Jennifer. He even flirted with her kaya naiinis ako. Pero anong nangyari ngayon? Naging mortal na magkaaway na sila?
"ANGHANG!"
Umupo ulit ako.
Mas lalong umaanghang ang bibig ko dahil sa ingay nila.
Ilang beses akong napa bottoms-up ng tubig! Huh! pero hindi man lang nababawasan ang anghang!
"Kung gusto mong mawala ang anghang, kumain ka ng tinapay."--Jana. Sabi niya habang pinanonood ako.
Nararamdaman ko ang patuloy na pagbaba ng pawis galing sa noo ko papunta sa chin ko. I'm badly sweating.
"So, kukunin at kakainin ko ang patty ng burger?"
BINABASA MO ANG
Creepy Red String Attached [ C O M P L E T E D ]
HorrorKael was just a usual 13 year old kid not until he witnessed a gun shot incident right in front of his eyes. Eversince then, he got the ability to see wondering ghosts in any corner of his everyday living space for around five long years up until h...