இ Chapter Three: Creepy Angel of Death and Destruction

2.7K 138 27
                                    

Chapter 3: Creepy Angel of Death and Destruction

Day 2 here in this Mountain Resort.

"The best night ever!Oh yeah!"

As I stretched. Kakagising ko lang. Bakit the best ang night ko? Wala kasing dumisturbong multo sakin. I slept for 8 hours! That was terrific! Hinawakan ko kasi ang mataas na buhok ni Jana, the sadako while natutulog kaya hindi ako nakakita ng multo. I wished maulit ang 8 hours na tulog na 'yon. Huehew!

Kagabi, ang ultimate plan ko pala ay ang i-introduce si Jana sa parents ko as my new-I mean...First found girlfriend ko. With that, hindi na magdududa si Mama sakin. For sure, they will be absolutely glad about that! Oh yeah!

I told Jana again about my idea. I even elaborate the idea more! but seems like hindi niya nagustuhan.

"That's stupid. you are starting a cliché love story of us."-Jana.

Then she yawn.

Sa totoo lang, Kagabi pa namin pinag-usapan ang tungkol dito pero ngayong umaga namin ipinagpatuloy.

Naging abala pala ako ngayon sa panggagamot sa sarili ko as I found out when I woke up na may hapdi anywhere around my body. Ang dami ko palang natamong galos dahil sa nangyari kagabi.

Hmm, Masaya ako na hindi na masyadong masakit ang katawan ko ngayon. hahaha! Nakatulong yata ang mahaba kong tulog.


"Walang mangyayaring love story! Just think about this. Kung magiging as if gf kita, ede lagi kitang makakasama! Ayos 'yon para hindi ko na laging makikita ang mga bwesit na multo. Isa pa, kailangan mo rin di ba ako para makipaglaban sa krong-krong na angel of death and de-Desaksyon-ano ba 'yon? basta! o ano? Call ba?"

Walang gana siyang napatingin sakin. Nasa tabi pala niya ngayon si Jegudi, the ghost.

Let me describe Jegudi. A male ghost na parang siopao na lumilipad. Kalbo kasi ang isang 'to. Isa pa, mukhang he is 6 years younger than me. Kulay white ang shirt niya tapos levis trousers ang suot niya. Haha. May tag kasi ang trousers niya. hah! Kakaibang multo ha? May Levis brand pang nalalaman.


"It's destruction, not desaksyon. Hindi mo ako nai-convinced. Makakasama mo naman ako lagi since kailangan natin ang isa't isa.Huwag kang mag-alala, kaya kung pumasok sa isang bahay ng walang nakakaalam. I know that you need me for the night para makatulog but you don't need me to act as your girlfriend. I don't have any benefits from that."-Jana.

Napayango-yango naman si Jegudi at sekreto akong tinawanan.

"Anong nakakatawa? tsk!"

Tapos binato ko ng unan si Jegudi. Pero alam niyo na? The pillow just passed through him.

"Gusto kong maligo at magpalit. May ibang damit ka ba diyan?"-Jana.

'Yong feeling na ang kausap mo ay consistent sa tono ng pananalita niya. Hindi yata nainform tungkol sa intonation.

Sa totoo lang, nahihirapan talaga akong tukuyin kung galit ba siya o baka masaya? o natatae o nahihirapan? Wew. ewan ko sa babaeng 'to.


"May T-shirt ako tska pants. Pero-walang-Teka, nagsusuot ka ba ng brief?"

Alam kong hindi siya nagsusuot ng brief! Hindi naman ako ganun kabobo tungkol 'don. Gusto ko lang na matawa siya o kaya'y makita siyang magalit.

"May panty ang mama mo, manghihiram ako."-Jana.

Consistent emotionless Sadako. Hays,walang pag-asa ang isang 'to. Wala yatang ka feelings-feelings. Mabuti pa ang mamon, may feelings (fillings) na ngayon.


Creepy Red String Attached [ C O M P L E T E D ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon