🔯 Chapter Thirty One: Creepy Plan

516 28 4
                                    

Pagkatapos naming masaksihan ang nakakakilabot na pangyayaring yon, agad-agad naming hinanap ni Jana si Jegudi.

Pumunta pa nga kami sa mga temples at sa kung ano-anong sulok ng lugar pero hindi parin namin mahanap ang siopao na multo na yon.

"Saan ba kasi pumupunta ang siraulong multo na yon?!" Ginulo ko buhok ko. Medyo kinakabahan pa rin ako na hindi namin nasasabi pa kay Jegudi ang nakita namin kanina! Baka kasi dumating ang tropa ni Adie at kidnapin kami ni Jana!

"I'm sure, he's just around. Hindi naman siguro siya lumalayo dito. Doon naman tayo sa sirang sasakyan na naka park.
Baka nandoon siya."--Jana.

Isa pa sa hindi ko kinaya sa paghahanap na'to, pumupunta kami sa mga nakakatakot na sulok! Kanina pa ako nanginginig dito dahil nakikita ko na naman ang mga epal na multo! May nakita pa nga akong multo na pinagpipilit pa ako na bigyan ko raw siya ng tatlong digits dahil tataya siya sa swetres.

Kaya binigyan ko siya ng '402'. Para tigilan na niya ako.

" Teka! J-Jana!" Inabot ko ang kamay niya. Pinigilan ko siyang tuluyang makalapit sa sirang sasakyan.

Dahil sa pasabog na revelation na nasaksihan namin kanina, na divert ang utak ko kaya saglit akong namanhid sa nangyari samin ni Jana.

And now that we're holding each other's hands, I can feel the pain in every throbbing of my heart. Exaggerated ang description ko, pero totoo, ito ang nararamdaman ko.

Kung dati, may halong sekretong kilig kapag nahahawakan ko ang kamay ni Jana ngunit ngayon, nasasaktan ako.

"Kael, ilang beses ko bang ipapaalala sayo na hindi mo ako hahawakan o hindi tayo maghahawakan pag may misyon tayong ginagawa? Paano natin makikita si Jegudi kung magkahawak kamay tayo?"--Jana.

Agad akong napabitiw ng kamay. I faced her usual-no-emotion face.

" Oo nga pala. Dapat nga palang masanay na ako na wala akong masasandalan kapag natatakot ako. I should not be dependent to you anymore. Dapat masanay na ako...na wala ka na kung sakaling lumayo ka na."

Alam kong masasakit yong mga binitiwan kong salita. Pinipigilan ko nga ang sarili na mag 'sorry'. Gusto ko siyang saktan sa pamamagitan ng masasakit na salita na yon.

"Tama 'yan, Kael. You should. You must. That's the first smart thing you've ever said to me."--Jana.

Pero...bakit? Bakit ako parin ang nasasaktan dito?

Why Jana?

" Was that a compliment? Thank you." Tsaka napa tikhim ako. Parang may namumuong plemas kasi sa lalamunan ko.

"Alam ko na gusto mo lang na maramdaman ko kung anong nararamdaman mo. Nararamdaman ko naman yon, Kael. Hindi naman sa lahat ng pagkakataon...manhid ako. Hindi man halata, nasasaktan rin naman ako sa sinabi mo."--Jana.

She's just staring at me blankly. Parang robot siya na sinasabi lang kung anong nais ng kumokontrol sa kanya na sabihin niya .

" Bakit hindi ka umiiyak kung nasasaktan ka? O di kaya magpakita ng emosyon other than projecting that emotionless face?!"

She slightly tilted her head. Medyo natatakot ako sa maliit na galaw na yon dahil parang isa yon sa mga panakot moves ni Sadako.

"Gusto mo pala makita na nasasaktan ako?"--Jana.

Napalunok ako ng dalawang beses sabay pagkuyom sa kamay ko. Medyo naiinis ako sa tanong niya. Kailangan pa bang tanongin yon?! Kung nasasaktan man siya, kusang lumalabas yon sa kanya! Mararamdaman niya iyon!

Creepy Red String Attached [ C O M P L E T E D ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon