🔯 Chapter Twenty Eight: Creepy Connection

669 26 4
                                    

Luiji's POV

"Time of death, 8:45 am."--sabi ng doctor pagkatapos marinig namin ang straight na tunog na nanggagaling sa isang heart monitor.

Unang lumabas sa bibig ko ay,

" Oh shit!" Sabay takip sa naninigas kong bibig.

Tama ba yong pagkarinig namin? Time of death...

Patay na si lola!?

Pagkatapos ay biglang nanlamig ang paligid namin. Napalingon ako nina Jana, Kael at Jennifer na gaya ko ay hindi makapaniwala sa nangyari.

"Si lola!"--Jennifer.

Sigaw ni Jennifer sabay abot kamay niya na parang may pinipigilan siya. Lumipat ang atensyon ko sa direksyon kung saan parang may pinipigilan siya.

At doon ko nakita, ang isang itim na usok na nasa itaas ng hinihigaan ni lola!

" Anong-- si Adie!"-- Sigaw ko tsaka nagulat ang mga nurses at yong doktor!

Lumapit ako doon at agad na niyakap ang  wala ng buhay kong lola.

Lumapit rin sina Jennifer, Jana at Kael.

May usok na lumabas sa katawan ni lola! Kaluluwa niya ito!

"Lola!"--Jennifer. Wala na kaming pakealam kung napagkakamalan na kaming mga baliw ng mga tao dito sa ER! Basta't mailigtas lang namin si Lola sa mga masasamang ex-grim reapers!

" protektahan mo si lola, Jennifer! " sabi ko sabay yango niya. Nasa likuran niya si lola.

Tatawag na sana ako ng ghost weapon, kaso ang bilis ng pangyayari. Biglang natumba si Jennifer tsaka tumilapon ang cross-pendant niya.

"Tssh!" Ang nakita ko ang mahinang kaluluwa ni lola ay hinahawakan na ngayon ng dalawang alagad ni Adie na may dala pang mga sandata.

"Huwag!" Sigaw ko at naging huli na ang lahat.

Naglaho na ang dalawang masasamang ex-grim reapers kasama ang kaluluwa ng lola namin.

Nakita ko di kalayuan na may isang lalakeng nakaitim na itim na suit at sombrero. Napatingin ito sa wrist watch nito tsaka napailing at nalulungkot na napatingin samin.

Minsan na kaming nakakita ng grim reaper. At ang isang 'to ay isang grim reaper na kakausap o susundo sana sa kaluluwa ng lola namin pero nahuli siya.

Ganon kabilis ang pagkuha nila sa lola ko. Ang hina ko! Hindi ko man lang nagawang iligtas ang lola namin.

Nagsidatingan na ang mga kamag-anak namin. Nagtataka sila dahil nagkagulo dito at kagagawan ko ito.

Napalingon ako kay Jennifer na napatakip bibig habang naiiyak na napatingin sakin.

Sina Kael at Jana naman ay natutulala sa nangyari.

Sa pontong yon, tsaka pa tumulo ang naipon kong luha kanina.

💀〰💀〰💀

Nandito kami ngayon sa bahay ni lola. Dito sa bahay ang lamay niya.

Kanina pa ako nakaupo dito sa may sahig habang nakasandal sa pader. Nandito ako sa may sulok kung saan walang kahit sinong makakadisturbo sakin.

Nanghihina ako pero fvck lang, hindi ako dinadalaw ng antok.

Lubha akong...naaapektohan sa nangyari.

Alam ko, ito talaga ang kahahantongan ng tao. Pinapanganak tayo, tumatanda tsaka namamatay.

Ang hindi ko lang matanggap at ang bumabagabag sa isipan ko ay kung paano biglang nag ka cardiac arrest si lola pagkatapos ay kinuha pa ang kaluluwa niya ng mga lintik na samahang Adie! Shit!

Creepy Red String Attached [ C O M P L E T E D ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon