Chapter One: Creepy Encounter
"Kael, Ayos ka lang ba diyan? Mukha yatang gusto mong palitan ako dito sa pagiging singer of the night ko?"-Mama.
Sabi ni mama while she's stepping towards me and holding a microphone. Two hours na yata siyang pakanta-kanta through this videoke machine.
Napaupo lang ako sa isang sulok ngayon na malayo sa kanila habang nakikinig sa paborito kong music through my head set. Ayokong makinig sa boses ng mama na tanging papa at nakababata kong kapatid lamang ang nakakapag-appreciate. Isa pa, ang daming nakakatakot na multo malapit sa videoke machine na 'yan kaya wala akong planong lumapit at sumali sa ginagawa nila.
Nasa isang mountain Resort kami. It's weekend kaya napagdesisyonan ng parents kong magbonding kami. We rented a Villa for the night. Dahil boring sa loob ng Villa, humanap kami ng kasiyahan. We spotted this Videoke Open house. Alam niyo ba na kanina pa lumilindol dahil sa mama ko. Hays. Magpapasalamat sana ako kung 'yang boses niya ay magpapalayas sa mga multo sa paligid namin pero mukha yatang nagustuhan pa nila ang boses ng mama ko.
"Ma, Kayo po ang pinaka magandang singer ngayong gabi! I swear po!" I sarcatically said.
Oo. Niloloko ko ang mama ko. Kahit ganon man siya, ayokong sirain ang gabi niya.
"Ang swerte ko talaga na naging anak kita! Alam mo kael, kahit aminin mong bakla ka ngayon din, tanggap na tanggap kita! kasi mahal na mahal kita! Ano Kael? bakla ka ba talaga?"-Mama.
Niyakap niya ako tapos sinabi niya 'yon through the microphone. Ilang beses na 'yang itinatanong ni Mama sakin. Huh! Damn. I admit na minsan parang baliw ako tapos minsan bigla na lamang akong napatakbo na parang umaakto akong bakla pero hindi ibig sabihin 'non na BAKLA AKO!
Napatingin ako sa paligid ko ngayon. It's an open videoke bar pa naman tapos sinabi niya 'yon. Napatingin tuloy ang ibang tao samin.
"Anak Kael! Okay lang talaga samin ng mama mo! Gusto naming magpakatotoo ka!Di 'yong tinatago mo pero obvious naman."-papa.
Lumapit pa ang papa ko tapos inagaw ang mikropono para sabihin LANG 'yon. Wow. Galing.tsk.
"Sige na kuya! Aminin mo na! I really wanted to have a sister to play with me!"-sabi ng kapatid kong si Jamela na inagaw rin ang mikropono para sabihin rin 'yon.
Feeling ko, sasabog na ako sa hiya ngayon. Nagtatawanan kasi ang mga tao sa paligid ko! May mga multo pang parang pinagtatawanan rin ako. Aba? Napasali rin ang mga panget na'to.
Tumayo ako at binawi ko ang mikropono para ako na naman ang magsasalita.
"Ma, Pa at Jamela! Hindi ako bakla okay?! ILANG BESES KO NA BANG SINABI 'YON?! HA?! LALAKI AKO. LALAKI! AT HINDI 'YON MAGBABAGO KAHIT SASABOG MAN ANG BUONG PLANETA!"
Sigaw ko! Kaya lahat ng tao ay natatawa lalo sakin. Oo, galit na galit ako pero mukhang hindi yata halata.
"Ay sorry, Kael. Makakalimutin na kasi kami kaya di ko alam na ilang beses ko na 'yong itinanong. This time, mukhang mali yata ang method of asking namin. I'll ask you next time in private."-mama. Sabi ni mama tapos may pa wink pa siyang nalalaman.
"Tama, honey!"-Papa. Ang sarap nilang pag-untugin.
Napasapo tuloy ako. Tsk. 'Di ko na alam kung anong gagawin ko sa buhay ko. Lagi nalamang bang ganito?
Habang inis na inis ako sa kinatatayuan ko ngayon, may nararamdaman ako sa likuran ko. Nararamdaman kong may malamig na kamay na nakahawak sa balikat ko.
I got goosebumps immediately. Alam ko kung ano kasi ito. Pakiramdam ko, lalamunin ako nito anytime. Damn! Tsk! I'm absolutely sacred! Nagtataka tuloy ang parents ko sa inaakto ko ngayon.
BINABASA MO ANG
Creepy Red String Attached [ C O M P L E T E D ]
TerrorKael was just a usual 13 year old kid not until he witnessed a gun shot incident right in front of his eyes. Eversince then, he got the ability to see wondering ghosts in any corner of his everyday living space for around five long years up until h...