Malaki ang bahay ng pamilyang Yanai. Nang makapasok kami sa bahay nila, nakita namin ang mga basag na bagay na nakalatag sa sahig.
Ang mas nakakatakot pa, may maraming dugo pa sa sahig. We traced the blood.
At nakita namin ang mga taong naka maid na uniporme na parang mga patay na hayop na nakahandusay sa kusina nila!
May mga bala ng baril sa sahig kaya siguradong pinagbabaril sila!
"Ja--na!" Nanginginig na wika ko habang hinihila ko siya palayo doon.
Maingat naming tinignan ang buong lugar. At sa pagmamasid namin, sumulpot bigla si Jegudi sa harapan namin!
"Jegudi!" Pumasok siya sa cross pendant ni Jana tsaka naging sandata na ito.
Ako naman, tinuwag ko na rin ang multong sasanib sa pendant ko para maging ghost weapon.
Nang maihanda na namin ni Jana ang mga dala naming sandata, nagpatuloy na kami sa pagmamasid dito sa ground floor. We were checking kung nasaan ang mga magulang ni Jana.
"Mukhang nasa itaas sila."--Jana.
Tapos nagmamadali naming tinungo ang hagdanan para umakyat sa second floor.
" sarado lahat ng ilaw dito."
May pinindot na switch si Jana tsaka pa umilaw dito.
Dahan-dahan kaming pumasok papunta sa silid ng kanyang mga magulang.
"Yuk...Yukiko!" Sigaw ng isang babae. Boses yata yon ng ina ni Jana!
Pero hindi yon nanggaling sa silid nila!
"Nanggagaling ang boses na yon sa may sala na nasa isang malaking balcony."--Jana.
Nag mamadali naming tinungo ni Jana ang portion ng bahay na yon!
At nang makarating, bumungad samin ang ina ni Jana na nakahiga sa sahig at ang dami niyang sugat sa mukha na parang kinalmot siya ng isang halimaw na may matataas na kuko. May sugat rin siya sa tiyan. Tama ito ng bala!
"Okāsan"-Jana.
Lumapit si Jana sa ina niya na nahihirapan ng huminga.
"Yuk...kiko...may...halimaw...Otōsan...sa...baba...balcony."--Ina ni Jana.
Pinunit ni Jana ang laylayan ng blouse niya at ginawa niya itong pansamantalang pampigil sa dugong lumalabas galing sa tama ng baril na natamo ng ina niya sa may tiyan nito.
" Huwag na muna kayong magsalita."--Jana.
Kinuha ko ang phone ko. I dialed Jennifer. Sinabi ko sa kanya na agad tumawag ng ambulance at pulis dito sa bahay nina Jana.
"Okāsan!"-Sigaw ni Jana nang pumikit n ang ina niya.
" Kael, please hanapin mo ang papa ko."--Jana.
Narinig ko kanina ang sinabi ng ina niya. Nasa baba? Balcony?
Tama! Nasa baba ng balcony!
Agad akong napasilip sa baba from the balcony. Ginamit ko ang flashlight ko para may makita ako sa dilim.
May swimming pool sa baba.
"Shit." Mura ko nang makita ko ang duguang katawan ng ama ni Jana na nasa pool.
Hindi ako sigurado kung humihinga pa ba ito o hindi.
Bababaan ko sana ang papa ni Jana ngunit natigilan kami nang may sumalubong saming isang babae.
Naka uniporme ito nang tulad sa uniporme ng mga duguang kasambahay kanina.
Pero may dala itong tig-iisang baril sa dalawa niyang kamay.
BINABASA MO ANG
Creepy Red String Attached [ C O M P L E T E D ]
HorrorKael was just a usual 13 year old kid not until he witnessed a gun shot incident right in front of his eyes. Eversince then, he got the ability to see wondering ghosts in any corner of his everyday living space for around five long years up until h...