இChapter Thirteen: Creepy Laura

1K 47 3
                                    

"Salamat talaga, guys! Ang laki talaga ng tulong niyo!" Abot langit ang pasasalamat ko dahil sa wakas! May pumasok na katiting na ideya sa utak ko sa magiging design ng sapatos na gagawin ko.

"Bye!bye! Dito ako dadaan kasi dito ako sasakay."--Jennifer.

Sabay turo niya sa kalye.

Si Luiji naman, hindi na nagpaalam. Sumabay ito sa pag-lakad ni Jennifer.

" teka, bakit ka sumusunod sakin?"--Jennifer.

Napasimangot si Luiji.

"Huwag kang ambisyosa! Dito rin naman ako dadaan!"--Luiji.

Medyo madistansya sila pero rinig na rinig namin ang mga pinag-uusapan nila. Ang lakas kasi ng boses nila! Hahaha.

" Jana, ayos kalang ba?"

May nararamdaman akong kakaiba kay Jana kanina habang nagpya-piano. Parang hindi siya yong katabi ko. Maging ngayon, parang may iba sa kanya.

"Kilala mo ba si Ristor Ibana?"--Jana.

Napaisip ako. Hmmm? May kilala ba ako?

" Artista ba yan?politico? Reporter?"

Parang nag pi-pinoy henyo lang. Hahaha!

"Isang binata na matagal ko ng hinahanap."--Jana.

Napasingkit mata ako. Bakit naman kaya naghahanap ng isang binata si Jana?

" Bakit?kuya mo? Classmate? Or crush?"

Nakita ko ang mukha niya na parang naiirita sa sinabi ko. Alam ko. Alam kong siraulo ako at hindi seryoso.

"Kakilala ko lang siya. I would like to ask you, ano bang naramdaman mo nang hawakan kita kanina?"--Jana.

May kakaiba sa kanya. She feels so cold and sad na parang she's longing for someone ng napakahabang panahon.

" parang nalulungkot ka at parang may hinahanap ka. Tama ba yong naramdaman ko, Jana?"

Seryoso siyang napatingin sakin. Ako naman, nililipat lipat ko ang tingin ko kasi na aw-awkward ako.

"Tama. Malungkot ako at may hinahanap ako. Pero natagpuan ko na ito."--Jana.

Ahhh. Ganon naman pala. Ede wow. Pero hindi yon naimention ni Jana sakin dati? Wala naman siyang sinasabi sakin noon na malungkot siya at may hinahanap siya?

"Masaya ako't nakita ko siya."--Jana.

Tska nagulat ako when she tossed herself and reach for my face! Na parang hahalikan niya ako!

" Haaaaaaaaaa!?"

Hindi ako makaiwas!All I can do is shout!

Hahalikan na sana niya ako pero tumigil naman siya. Hindi niya itinuloy. Sa halip, palabiro siyang napangiti.

"Nagbibiro lamang ako."--Jana.

Tsaka hinawakan niya ang kamay ko at patuloy kami sa paglalakad.

---

Nang makauwi kami, hindi ko maalis sa isipan ko yong nangyari. Paano naman kasi? Kakaiba yon eh! Tsaka bakit naman niya ako hahalikan ng ganon? Biglang nagkagusto si Jana sakin? Wahhh! Hindi ko kayang isipin kung totoo man yon!

"Hindi. Hindi. Nagbibiro lang talaga si Jana. Hehehe. Malay mo? Trip-trip lang talaga niya. Sinusubokan niya lang ako? O baka naman!she secretly admires me! Aisst! "

Kinakabahan ako sa mga iniisip ko. Hindi ko kayang isipin ang mga possibilities na yon!

"halika, labas muna tayo."--Jana.

Creepy Red String Attached [ C O M P L E T E D ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon