🔯 Chapter Twenty Two: Creepy Tour

681 31 9
                                    

"Wahhhh! Ja--Jana!"

Sigaw ko nang makalabas na ako ng CR sa train na sinasakyan namin ngayon! May nakita kasi akong multo na ang bastos pa!

Habang natatae kasi ako, hinawakan niya pwet ko. Akala ko pa naman, high-tech na ang CR dito kaya may parang pumunas sa pwet ko pero curious ako kaya napaisip ako, bakit kaya malamig yong pamunas na parang ice yong ipinunas ha?at yon! Sapul! doon ko nakita yong pervert na multo! Hinipoan ako.

"Ano?"--Jana.

Tsaka mahigpit na hinawakan ko ang braso niya. Napatingin yong mga pasahero samin. Na cu-curious sila kung bakit napasigaw ako na parang nakakita ako ng Zombie dito.

"Uhmm. May nakita lang akong ipis sa CR." Sabay napakati sa ulo tsaka sinundan ko naman ng peace sign habang hindi ko parin binibitawan si Jana. Nagpaparinig lang ako sa lahat.

Nang mawala na yong atensyon nila sa akin, humarap ulit ako kay Jana.

"Hinipoan ako ng multo." Sabi ko kay Jana at sapilitan niyang inilayo ang braso niya sakin para hindi ko na mahawakan!

"Hinipoan ng multo?"--Jana. Ang mukha niya parang nanlalamig na bangkay. Ewan ko lang kung bakit ganon ang reaksyon niya pero pakiramdam ko ha, parang pinipigilan niyang tumawa?

" tumawa ka nga. Bakit mo ba pinipigilan ang sarili mo. Kahit masakit sa kalooban ko, sige fine, pahihintulutan kitang tawanan ako." Sabi ko sa kanya pero hindi pa rin eh. Pinipigilan niya parin ang sarili na matawa.

Bakit nasa train pala kami? Papunta na po pala kami sa Montserrat. Oo, natuloy nga. Kahit pa ganito yong nangyari:

" Paano kung...ayokong sumama?"

Tanong ko sa kanila. Napalingon silang lahat sakin at alam kong nagtataka sila kung bakit ako napatanong ng ganon.

"Ede, maiiwan ka. Subukan mong mag-enjoy sa kwarto mo ng mag-isa."--Jana.

Nakakainis si Jana! Alam niya kasi na yon talaga ang mangyayari kapag wala siya sa tabi ko! Dahil on vacation naman ang mga multo ko during summer, ang safe zone ko ay sa kwarto ko! Gustohin ko mang pumunta sa ibang lugar para maglibang, hindi ko magawa kasi sigurado akong makakakita na naman ako ng mga epal sa paligid.

"Hindi pwedeng sumama--"--Luiji. Alam ni Luiji kung bakit ayaw ko na bumalik doon at tinutulongan yata niya akong mag decline pero pinigilan ko siya sa sasabihin niya at nasabi ko'to:

" Oo na. Oo na! Sasama na po!"

Kaya heto na. Nandito na kami sa loob ng umaandar na tren.

Nagpaalam naman ako sa mga magulang ko. Sinabi ko sa kanila na kailangan naming pumunta ng Montserrat dahil may outing yong sinalihan kong org. Buti nalang hindi na sila nagtanong pa ng kung ano-ano na tungkol sa org nang nalaman nilang kasama ko si Luiji.

At first, parang nag-aalinlangan sila given na may traumatic experience ako doon pero sinabi ko naman na:
"Oras na po yata para labanan ko na ang takot ko. Titibayan ko na po ang loob ko."

Sinabi ko yon na nanginginig pa ang mga tuhod ko. Sinabi ko yon para hindi naman sila masyadong mag-alala sakin. Gusto nila na doon ako tumuloy sa lola ko para siguradong mapapanatag ang mga isipan nila.
Saktong sakto kasi para free food and accommodation kami for a week. Yahoo!Credits to mah parents and to my grandy.

"Ano nangyari, Kael?"--Jennifer.

Tanong ni Jennifer na mukhang kakagising lang nito galing sa pagkakatulog sa upuan niya.

Si Luiji naman, hindi talaga napansin yong pagsigaw ko kasi sobrang tulog. Ilang liters na ng laway kaya ang nalalabas niya?

" Ah. Ahahaha. Wala naman. Bigla lang akong nagutom."

Creepy Red String Attached [ C O M P L E T E D ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon