🔯 Chapter Thirty Five.Two: Last, Creepy Date

466 18 0
                                    

"Totoo ka ba?"

Nawala na ang ngiti niya. Seryoso na siyang nakatitig sakin. Kinakabahan ako sa magiging sagot niya.

"Naging totoo ako ulit dahil natagpuan mo ako."--Jana.

Napaawang ako sa sinabi niya. Tama kaya ang hinala ko?

"Kung hindi ba kita nakita, hindi ka na magpapakita pa?"

Isang beses siyang napatango.

"Mukhang tadhana na ang gumawa ng paraan para ipagtagpo tayo ulit. Dahil nagkita tayo, babalik ulit ang lahat sa dati. Babalik rin ang buong kakayahan mong...makakita ng mga multo."-Jana.

Pagkasabi niya non ay nagka goosebumps ako. Di ako napatingin-tingin sa paligid dahil alam kong may mga multong umaaligid. Ang masama pa, kaya ko na silang makita.

" Ibig sabihin, binago niyo ni Jegudi ang lahat ng takbo ng pangyayari noon?"

Tumango siya sabay sabing,

"Oo. Binago namin ang mga pangyayaring iyon para sa kabutihan ng lahat. Pero dahil nagkita tayo, dahan-dahang babalik ang mga pangyayaring iyon, Kael."--Jana.

Tama nga ang sinabi niya. Parang isa-isang nabubura ang mga pangyayari na pilit pinapaniwala sakin nila Luiji, Jennifer at ng iba pa.

Sa sobra kong tuwa, napangisi ako ngayon habang tumutulo pa ng isang luha ang isa kong mata.

" Masaya ako. Masaya ako na totoo ka."

Gustong gusto ko siyang mayakap pero hindi ko ginawa baka kasi ayaw niya--

"Kung ganon, hindi ko pinagsisihan na medyo late na ako sa oras ng pagtawid ko sa kabilang buhay. Masaya ako na masaya ka."--Jana.

Parang biglang nawalan ako ng hininga nang niyakap niya ako at ipinilig pa niya ang ulo niya sa dibdib ko. Parang may malamig at magaang hangin na humahaplos sa dibdib ko.

Tumugon ako sa yakap niya. Hinawakan ko ang likuran niya at hinagod ko pa. Pero kakaiba ang nararamdaman ko. Instead of feeling the cloth of her dress, all I can feel was an ice cold back of hers.

Her coldness was making me feel the hotness all over my body. Ano nga bang tawag kung buong katawan mo ay nagbla-blush na?ahahah! Blush pa ba ang tawag 'non?

Bumitiw na siya sa pagyakap at hinarap ako ulit.

" Kael, makinig ka. Hindi pa naman huli para maitama ang lahat. Kung gusto mo na maging normal ang buhay mo, kailangan mong pakawalan ang mga di pangkaraniwang nangyari noon. You wanted a normal life that's why you risk your life for that mission. Finally now, you can have that normal life again, Kael."--Jana.

Kanina lang, ang saya saya ko tapos ngayon, parang dinurog na naman ang puso ko.

"I guess I decided to forget that normal life when I met the girl who made my life creepy but extraordinary."

May kunting overwhelm sa mukha niya. I bet, she's blushing if she only could.

"You know, I won't trade a normal life for a creepy girl."

That made her smile.

"Hmmm.Sulitin nalang natin ang pagkikita natin ngayon, Kael. Ano? Itutuloy na ba natin ang plano natin na mauudlot na sana?"--Jana.

Napakunot noo ako. Aling plano ba ang tinutukoy niya?

" ha?"

Isinuot niya ang dala niyang 'Summer hat'. Hindi na ako nagulat pa dahil naalala ko si Jegudi noon na nagshe-shades pa nga. Ang mga multong 'to talaga.

Creepy Red String Attached [ C O M P L E T E D ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon