🔯 Chapter Thirty: Creepy List

513 28 0
                                    

"Salamat sa pag-intindi. I'll set my feelings free...now."--Jana.

Now? Ganon ba bilis? Ka dali?

Ilang beses siyang napahingang malalim. Pagkatapos ay napatingin siya sakin.

Pagkatapos lang ng ilang minuto...

biglang lumamig ang paligid ko.

Bigla rin akong kinikilabutan. Parang iba na ang ihip ng hangin na humahaplos sa balat ko.

Hanggang sa may nakita na akong umaaligid na mga multong ligaw sa may likuran ni Jana!

I stopped myself from screaming!
Nakikita ko na yong mga epal!

Pero agad kong naisantabi ang takot na yon dahil naiiyak ako.

Naiiyak ako na ganon lang kadali para kay Jana...

...Na kalimutan niya ang nararamdaman niya para sakin.

"Bi-bibili na mu-muna ako ng juice sa kalapitang vending machine. Babalik ako ka-kaagad."

Sabi ko ng nakatalikod na sa kanya. Pagkatapos ay patakbo ko siyang iniwan doon.

Tumigil ako sa pagtakbo nang makita ko na yong vending machine.

"Congrats ha! Success! Naibalik...nai--balik muna, Jana!ahah-ahah!" Garalgal na wika ko. Kumuha ako ng coins sa bulsa ko at nanginginig kong hinulog ito sa machine para sa isang baso ng orange juice.

Nang makuha ko na ang isang baso ng orange juice, iinomin ko na sana kaso...tumulo ang luha ko sa juice.

"Ano ka ba, Kael? Ginagawa 'to ni Jana para sa pakanan ng lahat. Huwag...huwag kang makasarili. " kinausap ko na ang sarili ko. Inaalis ko ang luha kong patuloy paring bumababa.

"Arghh!" Hindi ko napigilan ang sarili na sipain ang vending machine. Nabitawan ko rin ang binili kong isang baso ng juice kaya nahulog ito sa sahig bago ko pa ito magawang inomin.

"Tssk." Tinakpan ko ang mga mata ko. Gumagalaw na ang magkabilang braso ko dahil sa paghikbi.

"Kael."--Nanggagaling ang boses na yon sa likuran ko.

Ang tawag na yon ay siyang nagpatigil sakin na umiyak. Agad-agad kong pinunasan ang mga mata ko. I sniffed and rolled my lips.

"Ah! Natapon kasi yong juice sa mata ko--"

Nang lumingon ako, nabulagta ko ang isang...

multo.

Multo na hindi ko inakalang magiging multo.

"Jen-Jennifer!?"

Kahit anong side ko siya tignan, sigurado akong hindi na siya tao. Medyo lumulutang kasi siya kagaya ng ibang multong nakikita ko. Ang suot niyang damit ay yong damit na suot niya nang maaksidente siya.

Nag-aalala siyang napatangin sakin. Nilapitan niya ako. Saglit niyang tinignan ang nahulog na isang baso ng juice sa baba tsaka niya ibinalik ang tingin niya sakin.

Creepy Red String Attached [ C O M P L E T E D ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon