Nagising ako nang maramdaman kong hindi ko na naramdaman ang hangin na galing sa electric fan.
"Tsh. Ano ba!Ang init eh!"
Kumuha ako ng unan at walang tingin-tingin na ibinato ito sa kinaroroonan ng electric fan at ng kung sino mang nangengealam nito.
"Ano ba, Kuya! Bakit ba kasi natutulog ka pa diyan? Tanghali na. Tsaka inutosan ako ni mama na i-turn off ang electric fan kasi ang laki na ng billing natin."--Si Jamela lang pala. Akala ko pinagloloko na naman ako ng mga multo dito.
Napabalikwas ako. Masama ko siyang tinignan. Imbes na ako, na mas malaki pa sa kanya at mas matanda, ang dapat sana na mang-aapi sa kanya, huh! Look? Ako 'tong laging naapi. Kabadtrip.
" Umalis ka na nga dito. Ang init init na nga ng araw, kaharap ko pa ang nakakabadtrip mong mukha."
Nang sinabi ko yon, agad niyang ibinato pabalik sakin ang unan na tinapon ko sa kanya!
"Lumaki ka lang ng ilang centimeters, akala mo kung sino ka ng maangas diyan! Kuya mo pa rin ako!"
Pagkatapos ay tinawanan lang niya ako at kinuha niya ang medyas ko!
"Hindi kita kuya kasi ate na kita!hahaha!"--Jamela.
Pokkk!
" Arghhh!"
Tapos sapul na sapul ang ilong ko sa ibinato niya saking mabahong medyas! Pweee!Wahhh! Kahit medyas ko 'to, hindi ko mai deny na sobrang toxic ng baho nito!
"Hehehe! Yan. Gising ka na kuya. Tsaka maligo ka na kasi ang baho mo na."--Jamela.
Tsaka umalis na siya sa kwarto ko. Hah! Nabubully na ako masyado ng mga multo tapos ngayon, kapatid ko na naman.
Napasulyap ako sa table na nasa tabi ko. Nakita ko ang family picture namin at ang picture namin ng kapatid ko.
Let me clear this, hindi ako mahilig mag lagay ng mga kung ano-anong photos na nasa picture frame pero kumakailan lang, nakabili ng antique frame si mama.
Ang masama pa, ibinigay niyo ito sakin at ipinilit na ilagay dito sa kwarto ko na may litrato pa naming mag pamilya. It's not a bad idea at all pero ang antique na frames na binigay na kasi ay may freebie na multo. Kaya ayaw ko ng mga antique na bagay.
Kinuha ko ang picture frames at tinignan ang mga photos namin. Matagal tagal na rin itong kinunan. I was 12 years old here at nasa isang beach kami. Nag sa-summer get away kami nito sa lugar kung saan doon kami nakatira noon.
This was taken before that incident happened to me...before all the disaster in my life came to me.
"Ang saya ng mga panahong yon." Ibinalik ko na ang mga picture frame sa tabi.
Hinubad ko muna ang tshirt ko, pinagana ulit ang electric fan at humarap dito.
Summer na kasi. Ang init-init na!
Mabuti nalang na pasado ako sa lahat ng exams ko kaya hindi ako mag sa-summer class! Yas!hahaha!"Mabuti naman at gising kana..."--may biglang nag salita sa direksyon kung saan nandoon ang malaking bintana ng kwarto ko.
" Bakit diyan ka na naman dumaan? May pintuan naman dito!"
Itinapon niya sakin ang isang bote ng malamig na VitaSoymilk drink!
"Ahh--!pwew!"
Buti nalang na catch ko!
"Kung nagkataong tulog ka pa, siguradong ililigo ko sayo ang isang bote na yan para magising ka."---Ang pinaka weirdong babae na nakilala ko. Sino pa ba diba?
BINABASA MO ANG
Creepy Red String Attached [ C O M P L E T E D ]
HorrorKael was just a usual 13 year old kid not until he witnessed a gun shot incident right in front of his eyes. Eversince then, he got the ability to see wondering ghosts in any corner of his everyday living space for around five long years up until h...