இ Chapter Fifteen: Creepy Attraction

772 38 18
                                    

Dahil sumigaw ako ng tulong, may agad na rumesponde at tinulongan kami.

Sa ospital ang bagsak namin. Lubhang malalalim ang mga sugat namin at ipinagtataka ng lahat kung bakit natamo namin yon.

Eh hindi ko naman pwedeng sabihin na nakipag sagupaan kami sa mga former grim reapers at ang leader nilang si Adie na isang angel of death at kinukuha ang mga kaluluwa para makakuha ng energy para maging tao.

Gusto ko nga silang pag sabihan na baka may ibang paraang ang pagkuha ng enerhiya. Baka naman effective ang uminom ng 'Milo' everyday. Diba?hahaha.

Aham.Nagawa ko pang magbiro sa isipan ko sa sitwasyong ito.

Hindi ako nawalan ng malay dahil sa paa at sa may kamay lang naman ang mga sugat ko. Agad naman akong nagamot at ngayon ay naghihintay na matapos ang pag gamot nila Luiji, Jennifer at Jana.

Nawalan ng malay si Jana nang isinakay na ito ng ambulansya. Kaya tatlo na silang nawalan ng malay.

Abalang-abala ako sa pag ko-contact sa mga magulang namin. Siyempre, kailangan nilang malaman ang sitwasyon namin. Pero paano ko kaya sasabihin sa kanila ang pangyayari?

"May ideya kaba kung anong sasabihin ko sa mga magulang namin kung bakit nagkaganito kami, Jegudi?"

Nasa tabi ko si Jegudi at nakikita ko na parang nastre-stress siya sa pangyayari.

"Sabihin nating may gang na umatake sa atin at hindi natin kilala."--Jegudi.

Hindi ko alam kung papatok ba ang palusot na yan pero hindi rin naman kaya ng utak ko na makapag-isip ng ibang dahilan sa ngayon kaya tatanggapin ko na lang. Hahays.

"Sabagay, ayos lang naman ang dahilang yon."

Nasa may Emergency Room kami. Kaya, maraming mga kaluluwa akong nakikita ngayon na lumalabas sa kani-kanilang katawan.

"Ang sheyt naman nito." Sabay takip sa mga mata ko pero may kaunting butas naman kaya nakakasilip ako ng kaunti. I look like a perv.

"Wahhh!"

Sa may hallway, malapit sa akin kung saan parang nasisira ang ilaw, may babaeng multo na nakakabit pa ang dextrose sa kamay. Gumagawa pa ng footprint gamit ang dugong tumulo galing sa bibig niya.

May nakita rin akong batang multo na pinaglalaruan ang elevator.

Napansin niyo minsan? Yong ang tagal mong naghihintay sa elevator kasi parang may sumasakay pa nito pero pagkarating sa kung nasaan ka, wala naman. Pero ang totoo, sumasakay na ang mga kaluluwa niyan. Minsan, kasama mo pa. That's creepy.

"Magpapahangin na muna ako."---Jegudi.

Dahil sa pagsasalita ni Jegudi, hindi na ako napatakip slight ng mga mata at sinubukang mag focus sa pagtingin sa kanya. Hindi dapat ako lumingon sa paligid!

Pero teka?Sabi niya, magpapahangin?

Huwaw? Magpapahangin ang isang multo? Di ko gets!?

" hahaha. Sige. Malapit lang naman ang gasoline station. Pwede kang magpahangin doon!" Tska tinawanan ko siya pero natigilan naman ako nang makita kong wala siya sa mood.

Usually kasi, naiinis rin si Jegudi kapag pinagsalitaan ko siya ng ganito pero ngayon, mukhang ayaw magpabiro.

"Aw.joke.ha-ha."

Tska tuloyan na siyang umalis.

_______

Pagkatapos ng ilang oras ng paghihintay, agad akong tumungo kay Jana at hinawakan ang kamay niya and!

Creepy Red String Attached [ C O M P L E T E D ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon