Chapter Ten: Creepy 'Team Creepy'
Bumalik na kami ni Jana sa bahay pagkatapos ng nakakatakot na pangyayaring 'yon kung saan umasta pa akong super hero. Siyempre, nagulat na naman ang parents ko sa itsura ko ngayon na may headband sa ulo dahil nasugat nga ako kanina. Ang palusot ko...
"Nabunggo ako sa isang sign board. Hindi ko nakita eh.hehehe" Hindi na nila ako kinulit kasi may gusto pa silang tataposin sakin regarding Jana.
Again, my parents confronted us, obviously not contented of my answers before we went out.
"Eh kung mag bo-boarding house siya?"--Mama.
Nandito kami sa sala at nakaupo sa couch.
"Kasi po, natatakot pa po siya dito sa siyudad natin. Wala po siyang ibang maasahan kundi ako lang. Pero huwag po kayong mag-alala kasi wala po talagang mangyayari.Pramis po!"
Itinaas ko ang kanang kamay ko na parang magsasaulo ng panatang makabayan.
Tahimik lamang sila. No reactions at all. Kahit ipinangako ko man na walang mangyayari samin, lalaki parin ako't babae siya. Tapos hindi pa kami magka ano-ano.
Kung iisipin na magkasama kami sa iisang kwarto, magdududa ka talaga.
At siyanga pala, wala akong plano na umamin at magpanggap na bakla para dito. Ayoko talaga! kasi lalaki naman talaga ako.
"Patawarin niyo po ako kung naging pabigat po ako sa inyo at lalo na kay Kael. Ulila na po kasi ako at wala na akong pamilya o kakilala dito."--Jana.
Biglang nagsalita si Jana. Napakunot noo akong napatingin sa kanya.
"Si Kael lang po ang naging kaibigan ko kaya masaya po ako't tinutulungan niya ako. Pagpasensyahan niyo po kung patago namin 'tong ginagawa. Alam ko pong lalaki si Kael pero sa paningin ko...hindi po. Kaya panatag ako sa tabi niya."--Jana.
Napanganga ang pamilya ko. 'Alam ko pong lalaki si Kael pero sa paningin ko...hindi po' Ano 'Yon?! Siraulong Jana! Hoy! lalaki ako!
"Jana--"
Napasulyap siya sakin at ibinalik rin ang tingin sa pamilya ko.
"Pero dahil hindi kayo sang-ayon dito, siguro maghahanap na po--"--Jana.
Hindi pwede!
"No! No! hindi siya aalis mama, papa! I mean...hindi po ngayon. Malaki naman po ang kwarto ko kaya okay lang po na gagawa ako ng parte na para sa kanya. Ma, pa, please...let her stay even just for a little while. Isa pa po, wala po yatang bakanting boarding house ngayon na talagang malapit sa school namin."
Hindi naman kami mayaman para may guest room kaya talagang sa kwarto ko parin siya. Hindi naman siya pwede sa ibang kwarto kasi inaasahan ko siya tuwing gabi para makatulog! Kung sa room naman ni Jamela, maliit lang ang space doon. Hindi siya dapat umalis!
Hindi parin kasi ako immune sa mga multo!
Matagal na nakapagsalita ang parents ko kasi talagang pinag-iisipan nila. Tumayo pa nga sila at medyo lumayo muna para pag-usapan ang bagay na'to. Si Jamela naman, napatingin lang samin habang hinihintay ang magiging desisyon ng parents namin.
Nang bumalik na sila sa pagkakaupo sa sofa, they faced us.
"Anak, okay. Papayag kami ng papa mo...."--Mama.
Yes! Yes!
napasmile ako sa saya! Wohoo!
"Pero, kailangang bukas ang pintuan niyo lalo na kapag magkasama kayo sa loob ng kwarto. Nagkakaintindihan ba tayo?"--papa.
BINABASA MO ANG
Creepy Red String Attached [ C O M P L E T E D ]
HorrorKael was just a usual 13 year old kid not until he witnessed a gun shot incident right in front of his eyes. Eversince then, he got the ability to see wondering ghosts in any corner of his everyday living space for around five long years up until h...