🔯 Chapter Twenty Three: Creepy First Love

628 33 4
                                    

"Welcome home, Young masters!"

Pagkarating namin sa tahanan ni lola, hindi namin inasahan ang grupo ng mga lalakeng nakasuot ng suit and tie at tuwid pa na nakalinya sa magkabilang side namin.

Parehos kaming napakamot ng ulo ni Luiji habang ningingitian namin ang bawat isa sa mga bumati samin habang sumusunod kami sa paglalakad ni Lola. Nakakahiya talaga!

"Ang laki ng bahay ng lola niyo, Kael."--Jennifer.

Sabi ni Jennifer habang tinatahak namin ang mahaba at napakakintab na sahig ng temple nato. Oo, ang tirahan ng lola namin ay isang malaking temple. Ang mga lalakeng bumati samin kanina ay mga taga sunod sa paniniwala ni lola.

Si lola ay apo na sa tuhod ng isang nakapakatapang na lider ng Yakuza. Yakuza ay yong gangster term ng mga Japanese.

Kahit siguro may kaunting persiyento ako ng pagiging Japanese, wala akong alam tungkol sa pagiging hapon o sa linguahe nila dahil hindi na kami tinuturuan ni lola

Isa pa, wala na akong bakas sa pagiging hapon kasi mukha naman akong tarsier.

Sabi ni lola samin, ipapasa niya sa ibang pamilya ang lahat ng yaman ng pamilyang 'to  dahil ayaw na raw niya na makisali pa kami sa gulong hatid ng grupong 'to.

Noon, ang plano talaga ni lola ay ipagpatuloy pa rin ito at ako ang susunod sa yapak niya. Kaya nga in my tween days, nagpapaka gangster ho tayo.

"Oo nga." Nahihiyang sagot ko sa kanya. Baka kasi akalain niya, Big time kami eh hindi naman masyado.

"Heto na tayo, mga apo.Ito ang magiging silid niyo."--lola.

Nang buksan ni lola ang kwarto naming apat,

"Lola, sobrang laki ng kwarto nato para saming apat!"--Luiji.

Napaismid si lola.

" Ayaw niyo? Ginagawa ko lang naman 'to dahil mahal na mahal ko kayo, mga apo ko."--lola.

Parang nasa isang malaking condominium kami. Mas makintab ang wooden floor dito, may sala, may CR, may kitchen at yong sa higaan namin, tig-iisa kaming apat! Hindi nga lang air conditioned pero ang dumadamping malamig na hangin sa balat namin ay nagpapagaan ng hininga! May double door pa na nang binuksan namin, bumulagta samin ang isang hardin na puno ng mga halaman! May fishpond pa na may malalaking Koi fish! Tsaka fountain na parang umiilaw dahil nakatapat ito sa magandang repleksyong dala ng bilog na buwan!

"Ang ganda talaga! Diba, Jana?"--Jennifer.

Nakita kong tahimik parin si Jana but it is not her usual neutral face. I saw her blushing and I guess she's silently appreciating the beauty of the whole place.

Ang cute ni Jana!

I smiled while looking at her like that.

" Anong tinitingin-tingin mo diyan?"--Jana.

Napansin niya yata yong titig ko sa kanya. Buti nalang, agad akong nakaiwas ng tingin.

"Ha? Ako? Tumitingin sayo? Bakit naman huh?"

Hindi na siya nagsalita pa. Ibinalik na niya ang tingin niya sa may hardin.

"Napapansin ko lang, bakit parang wala akong nakitang kahit isang multo dito?May nakita ka?"

Bulong ko kay Luiji na napatingin-tingin rin sa paligid.

"So far, wala pa naman akong nakita."--Luiji.

Hahays. Mabuti naman! Noon kasi, marami akong nakikitang mga multong umaaligid dito pero mukha yatang may ginawa si Lola para palayasin ang mga ito. Tatanongin ko si lola kung paano niya ginawa yon.

Creepy Red String Attached [ C O M P L E T E D ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon