🔯 Chapter Twenty Four: Creepy Doppelganger

646 32 7
                                    

"Oyyy! Magkahawak kamay sila!"--May narinig akong bumubulong! Kaya agad akong nagbukas ng mga mata at bumungad sakin ang ngumingiting siopao!

"Wahhhh!Jegudi!"

Agad akong napabalikwas sa pagkakahiga!
I smirked while looking at his playful face. Kay aga-aga nakakabwesit na.

"Nyee. Kagabi pa kayo naglalandian ni Jana dito ha! Gumala pa naman ako kagabi kaya di ko alam kung anong pinag gagawa niyo."--Jegudi.

Napasulyap ako kay Jana na natutulog pa sa tabi ko. Hinahawakan niya parin ang kamay ko.

" Tumahimik ka nga! Palagi naman tong nangyayari noon ah? Ano ngayon ha!?"

Tapos ngumingiti-ngiti lang siya na siyang nag pa init lalo ng ulo ko.

"Sus. Ang sabihin mo, nagustohan mo naman? Di mo mabitaw-bitawan eh! Ang sagwa niyo!hahaha!"--Jegudi.

Agad akong napabitiw kay Jana. Napahilamos ako sa mukha ko gamit ang mga kamay ko.

" Mas masagwa mukha mo! Alam mo ba na hindi ko na mabilang kung ilang beses kitang sinakal dito sa isipan ko? "

Mas tumawa pa siya! Arggh! Bakit nabubully niya ako parati?

Dahil hindi ko na matiis, tumayo na talaga ako at pinagsisipa at pinagsusuntok kahit nagmumukha na akong tanga dito dahil potek lang? Multo po siya at may kakayahan siya na parang maging hangin na hindi ko man lang magawang matamaan.

"Grrrrr! Kainis ka!kainis ka--"
At natigilan ako sa pinag gagawa ko nang may makita akong lalakeng naka sombrero at may dalang sprinkler. Didiligan niya yata ang mga halaman dito.

"Young master? Ayos lang po ba kayo? Kumain na po ba kayo?"--sabi ng lalake. Nakakahiya. Hindi niya nakikita si Jegudi na nasa harapan ko lang naman.

" ahmm. Ahahaha! Nag e-exercise lang po ako para mas gumanda 'tong katawan ko.ehehe. kakagising ko lang kaya hindi pa ako nakapag breakfast."

Tsaka pinakita ko pa yong tinatago kong muscles na may halong buto. Sa sobrang payat ko, bihira na yatang magpakitang gilas ang mga fats ko.

Napangiti nalang si Manong tsaka tumungo na sa mga halaman para diligan ang mga ito.

Gising na rin pala si Jana. Matamlay itong napabalikwas sa pagkakahiga at seryoso siyang napatingin samin ni Jegudi.

"Jana, Go...Good Morning!"

Bati ko sa kanya. Di ko alam kung bakit garalgal yong pagkakasabi ko. Agad pa akong napaiwas ng tingin when she's looking straight to my eyes.

"ohayo. (Good morning)"--Jana. Hindi ko maintindihan ang sinabi niya pero parang may kumiliti sa may tagiliran ko kaya napangiti ako.

" Tsh. Baka [Stupid]."--Jana. Umirap si Jana at bigla niyang hinawakan kamay ko.

"Ja-Jana! Anong--" Nanginginig ang kamay kong hinahawakan niya! Bakit naman niya ako hahawakan?

"Tatayo ako."--Jana.

Nagpapatulong lang pala siya para tumayo. Kung ano-ano ng iniisip ko.

Hinigpitan ko ang pagkakahawak niya sa kamay niya tsaka ko siya hinila patayo.

Nang makatayo na kami, a cliché scene happened. Nasobraan ang pagkakahila ko sa kanya kaya bumangga siya sa katawan ko. She raised her head, napayuko ako para tignan siya then our eyes met.

" May morning stars ka. Manghilamos ka na."--Jana.

Bumitaw na siya sa pagkakahawak sa kamay ko at lumayo na.

Creepy Red String Attached [ C O M P L E T E D ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon