Kael's POV
" Makinig kayo. Luiji, Jennifer, hindi ko na kayo pinahihintulotan na sumali sa misyon."--Jegudi.
Nang sinabi yon ni Jegudi, parang hindi ko alam kung paano ako magre-react? Anong language gagamitin ko? Mag e-english ba ako: 'Oh my God! why?; Or Filipino: Ano? Bakit? Or Chinese: Mushi-mushi? Anoni? Korean: Sarang anomeda?
"Dahil ba...nasaktan kami sa nakaraang laban?"--Jennifer. Nakikita ko sa mukha ni Jennifer na hindi siya sang-ayon sa gusto ni Jegudi.
" Wala kang sinabi tungkol dito. You did not tell me ahead."--Jana.
Maging si Jana pala ay ngayon lang niya narinig ang desisyong ito na gawa ng kalbong multo na'to.
"Pero ayaw namin! Lalo na ako! Ayokong iwan si Jana."--Luiji.
I saw Jennifer rolled her eyes. Napahinga ito ng malalim at malungkot na napatingin ulit kay Jegudi.
" Me too. I don't want to leave the gang. The team creepy."--Jennifer.
Until I found the words to say something.
"Jegudi, kailangan rin nating i consider kung anong iisipin nila Jennifer at Luiji sa bagay nato!" Sabi ko tska napa suntok sa mesa. Masakit yon pero hindi ako nagpapahalata. Sayang naman ang ibinigay kong emosyon sa sinabi ko.
"Shit ghost! Magsalita ka nga! Pipi ka na ba!?"--Luiji.
Tahimik lang si Jegudi. Parang pinakikinggan na muna niya ang mga komento namin. Hanggang sa nag sawa na kaming magsalita at sa wakas ay nagsalita na siya.
"Nang makita ko kayong nawalan ng malay pagkatapos niyong makipaglaban kay Adie at ng kasamahan niya, nagsisisi ako na pinayagan ko kayong tumulong. Ang mga kinalaban niyo... Mga nilalang na may kapangyarihan at kayo, ordinaryong tao lang kayo, mga bata pa at malayo pa ang mararating."--Jegudi.
Tama si Jegudi. Ang ginagawa naming 'to ay ikapapahamak talaga natin kahit pa may mga weapons pa kami.
" Hindi madaling mawalan ng buhay. Kaya may mga ligaw na kaluluwa dahil nawalan sila ng buhay ng hindi nila nagagawa ang mga bagay na nais nila nang buhay pa sila. Ayokong mangyari yan sa inyo."--Jegudi.
Nagtitinginan kami. Malulungkot ang mga mukha namin. Kung kailan pa una kaming napasabok sa labanan, tska pa sila ipapatigil. SILA. SILA lang? Ibig sabihin! Kasali parin ako!
"wahh! Paano ako? Tao rin naman ako? Pwedeng mamatay sa labanan pero hindi ko narinig ang pangalan ko na hindi na ako kasali sa Team Creepy!Jegudi! Gusto mo akong mamatay!"
Masama akong tinignan ni Jegudi. Yong usual niyang tingin kapag magsisimula na kaming magbangayan.
"Dahil sa Creepy Red string niyo ni Jana, pasalamat ka't sasama ka parin sa labanan."--Jegudi.
Lumaki yong butas ng ilong ko. Ansabe? Magpasalamat!?
" Hahaha! seryoso Jegudi! Magpapasalamat ako kung may accident insurance ako. Tska ano bang tingin mo sa amin? Kay Jana at Sa akin? Hindi ba kami tao? Mapapahamak rin naman kami ah!"
Sa halip na sisigawan niya ako pagkatapos ko siyang sigawan, kalmado lang ang mukha nito tska nagsalita.
"Pwede ngang mapahamak si Jana. Pero may usapan kami. At kahit ano man ang mangyayari, hindi siya bibitiw sa naging tungkolin niyang ito. Hindi niya magawang marinig ang boses ng mga multo kung malayo ka sa kanya. Ang lakas mo at ni Jana ay iisa. Tandaan mo na dahil sa imaginary string, nakatadhana kayong labanan si Adie. Ngunit hindi naman kita pipilitin na makipag labanan. Pwede ka lang manood at panoorin ang labanan namin ng medyo malapitan kung natatakot ka."--Jegudi.
BINABASA MO ANG
Creepy Red String Attached [ C O M P L E T E D ]
HorrorKael was just a usual 13 year old kid not until he witnessed a gun shot incident right in front of his eyes. Eversince then, he got the ability to see wondering ghosts in any corner of his everyday living space for around five long years up until h...