இ Chapter Sixteen: Creepy Feelings

756 31 2
                                    

" isusumbong ko kayo!"--Jamela.

Sigaw niya ulit tska tumakbo at sabay naman kaming napatayo ni Jana. At kahit pa medyo masakit tong paa ko, nagawa ko pa talagang tumakbo!

Tumakbo kami ni Jana at hinabol namin si Jamela na pababa na galing sa kwarto papunta sa kusina kung saan nandoon si mama!

At nalalanghap ko ang niluluto niya!hmm...Menudo? Ang sarap naman!

Wahh! Di to oras para magutom!

Monster! Monster Jamela! Alert! Alert!

"Mama!Mama!Si kuya po!"--Jamela.

Sa bilis niyang tumakbo, agad siyang nakarating kay mama!

" anong problema, Jamela? *Lingon sa akin na kakarating lang*Luiji? Inaaway mo na naman ang kapatid mo?"--Mama.

Napakati ako sa ulo at masamang tinitigan si Jamela.Gusto ko siyang sipain!

"Matagal ko ng hindi inaaway yan! Tssk! Magsitigil ka nga sa kahibangan mo!"

Tapos may paiyak-iyak pa si Jamela pero kitang-kita naman na tumatawa ito sa kaloob looban. Nakakainis.

"Kael, mag sitigil na kayo ha. Ano bang ginawa ng kuya mo?"--mama.

Nagtinginan kami ni Jana. Ako, sigurado akong hindi na maipinta ang mukha ko pero si Jana, wala lang. Parang dried mango.

" kasi po...kasi po! Nakita ko pong!"--Jamela.

Tapos parang mini demonyo na nakatitig siya sa akin! Kontrabida!

"Wahhhh! Tumahimik ka Jamela! Nagkakamali ka!" Sigaw ko na may gesture pa ng mga kamay na parang mag fo-folk or interpretation dance!

"Kasi po! Kasi...kinain nila ni Ate Jana ang favorite junk food ko."--Jamela.

Heto na o!

Tinatakpan ko na nga ang taenga ko para iwas naman sa pagsabog ni Mama!

Pero...

ha!? Ano yong sinabi niya?

" kayo talaga. kala ko naman, ginto ang pinag-aagawan niyo. Pagkain lang pala. Hindi halata sa katawan niyo na nag-aaway kayo over a food ha.hahhaha."--Mama.

Masakit sa kalooban ang marinig yon sa ating mga magulang at lalo na sa ating butihing ina.

Ma, alam kong hindi kami tumataba kahit kainin pa namin lahat ng pagkain sa mundo pero huwag niyo naman sanang ipaalala sa amin. Huhuhu.May micro nutrient deficiency yata kami.

"Sige na. Tataposin ko pa'to. *lingon sa akin at kay Jana* Mukhang maayos na kayo? At ikaw Kael, nagawa mo pa talagang tumakbo."--mama.

Nagawa ko pong tumakbo dahil wala na po akong choice kahit po masakit sa paa.

"Dahil mukhang medyo okay na kayo, gusto ko sana kayong utusan sa palengke na bumili ng pwede nating lutoin mamaya."--Mama.

Tska nagdra-drama, I mean pinapakita kong nahihirapan ako sa paa ko na may sugat.

" mama naman, masakit pa po o."--Kael.

Pero hindi nagpaawat si mama. Kumuha siya ng pera at inabot niya sakin yon sabay nong listahan.

"Hay nako, Kael. Hindi makatotohanan ang drama mo. Sige na, mamalengke ka na. Samahan mo na rin, Jana."--Mama.

Napatango lang si Jana. Napatingin naman kami ni Jana kay Jamela na parang pinipigilan pa ang pagtawa. Siya na ang masaya!

Tumalikod na kami at pabalik na sana kami ni Jana sa kwarto ko nang tumakbo na naman si Jamela papunta sa amin at pinipigilan pa kaming umakyat sa may hagdanan.

Creepy Red String Attached [ C O M P L E T E D ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon