🔯 Chapter Twenty Five: Creepy Response

619 28 10
                                    

"Ughhrr!" Habang sinusuntok ko ang chest ko. Hinihingal na naman ako. But...lalabanan ko ang sakit na'to! Dapat may gawin ako! I should save Jana no matter what!

Kaso...

Sino sa kanila ang tunay na Jana?

Sino sa kanila ang ililigtas ko?

Ilang months na kaming magkasama ni Jana. Siguro naman, may kunting hint or kutob ako para malaman ko kung alin siya sa dalawa.

Isa pa, I have feelings for her! I should recognized the real Jana. The Jana that my heart was beating for.

"Alam ko na... Jana!"

Patakbo kong pinuntahan ang sa tingin ko ay ang tunay na Jana!

Niyakap ko siya from her back and with all my strength na tinulak ang katawan ko, kasama ang katawan niya palayo sa sasakyang paparating.

"Ahrgg!"

Oo. Pinili ko ang Jana na masasagasaan na sana.

Tumigil ang sasakyan at bumangga ito sa isang kotse.

Napasulyap ako sa kinaroroonan ng Jana na tatalon sana ng tulay pero nakita kong dahan-dahan itong naglaho.

That's a relief.

I have chosen the real Jana.

Nagkagulo ang mga tao dito. Naka focus sila sa nag banggaang truck at kotse.

I checked Jana. Tulala siya na parang hindi makagalaw. Nakita ko na may kakaiba sa mga mata niya at masasabi kong mukhang sinasapian siya ng kaluluwa na hindi alam kung paano lumabas. Pero sigurado ako na hindi alagad ni Adie ang sumapi sa kanya.

I looked at the side of the bridge na malapit sa kinaroroonan namin.

I glanced at...

The soul of the girl that I onced tried saving before.

You know...my so-called first love.

I can tell that she's happy though she's not smiling. Thanks to her, nailigtas ko si Jana.

Nakita ko kasi siya na tinuturo niya ang Jana na tatawid sa daan. That gave me hint. Though, I really don't know what kind of ghost is she, I still trusted her.

Then trusting her was not a waste.

"Thank you." Hindi ako sigurado kung narinig niya yon dahil sa distansya na rin namin.

From her, I transfered my gaze to Jana.

Ganito parin si Jana, tulala parin siya. Alam kong hindi maganda 'tong gagawin ko. Public pa at ang dami pang tao dahil sa pangyayari pero kahit may nakita akong iilang tao na napapansin kami na nasa daan, gagawin ko parin 'to alang-alang sa kanya.

"Hindi ako papayag na may masamang mangyari sayo,Jana."

I closed my eyes then I gave her a quick kiss on the lips.

I opened my eyes pagkatapos ay naramdaman kong uminit ang buong pangangatawan niya and then she closed her eyes then opened again. She's back.

Biglang dumami yong mga tao sa paligid namin. Nakakahiya! Nakita kaya nila yong ginawa ko!?

Uminit na rin ang buong pangangatawan ko na parang nag ka instant fever ako.

May lumapit samin na mga rescuers. Tinulongan nila kami ni Jana na makatayo. Tsaka ko pa napansin ang mga galos ko sa siko at sa mga tuhod.

Si Jana naman, sabi niya, wala naman daw masakit sa kanya.

Medyo malalaki ang mga sugat na natamo ko kaya inakay nila kami papunta sa loob ng ambulance para pumunta sa pinakamalapit na ospital. Tatanongin rin daw kami ng mga pulis tungkol sa pangyayaring 'to mamaya.

Creepy Red String Attached [ C O M P L E T E D ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon