💀 Creepy Epilogue 💀

614 27 3
                                    

Kanina pa ako pinagpapawisan kahit pa naka aircondition dito sa event hall ng mall.

May gaganaping fashion show ngayon. Isa ang kompanya na pinagtatrabahoan ko ang magpapabida ng mga footwears ngayon.

Two months pa ako sa trabahong 'to. Pagkatapos maka graduate sa kursong footwear designing, agad naman akong natanggap sa kompanya kung saan ako nakapag OJT noon.

Isa akong junior footwear designer. Kahit strap or few things lang ang nako-contribute ko sa designs ng mga sapatos, proud na proud ako sa sarili ko. Unang achievement ko 'to.

Hindi ko naman sana papasokin ang industriyang 'Footwear designing' kasi nga in the first place, pinasok ko lang ang kursong 'yon dahil walang masyadong multo sa building na kinalalagyan ng department nito. Pero natutunan ko rin namang mahalin ang kurso sa pagdaan ng ilang taon.

Nagustohan ko rin naman.

"Kael!"--si Jennifer. Kasamahan ko si Jennifer sa trabaho. Nagtatrabaho siya sa comfort department. Ang trabaho niya ay siguradohing hindi lang maganda kundi komportable rin ang ipo-produce naming mga sapatos.

Ang brand ng sapatos namin ay 'Solace'. Solace means comfort. We prioritize comfort then the design follows.

" Paparating na yong bagong head ng designing department. Apo siya ni Ma'am Amanda galing Hong Kong."--Jennifer.

Ang huli naming head, sobrang sama ng ugali. Dahil hindi siya marunong makitungo samin, napilitan ang kompanya na paalisin siya sa trabaho.

"Balita ko nga, hindi pa niya natatapos ang Footwear designing course niya sa Hong kong pero gusto na niyang sumabak sa real world. Ipagpapatuloy nalang daw niya ang pag-aaral dito sa pilipinas while working."--Jennifer.

Hindi ko na masyadong inisip ang magiging head namin. Siguro naman, mabait na ngayon ang ipapalit ng kompanya.

"Dala mo ba 'yon ngayon, Jennifer?"

Napakindat si Jennifer sabay pakita sakin sa isang shopping bag.

"Sorry, natagalan ako, Kael. Medyo busy kasi ang factory ng pinsan ko kaya last week pa niya napagtuonan ng pansin ang request mo. But I'm sure, magugustohan mo ito."--Jennifer.

Binigay niya sakin ang shopping bag. Gusto ko sanang buksan para tignan ito pero mamaya nalang siguro dahil magsisimula na ang fashion show.

Unang lumabas ang mga damit. Mga kilalang brands nirarampa ng mga magagandang modelo.

Pagkatapos ng pagrampa ay tinawag ang mga designers papunta sa stage at sabay na nag bow kasama ang mga modelo.

Ang susunod na namang irarampa ay mga footwears. May apat na brand ng sapatos ang irarampa. Pangatlo kami sa mga pipresenta.

Nanood kami sa mga sapatos na panapabida ng ibang shoe company. Pero napakunot noo ako nang makita ko ang suot na sneaker ng isang modelo.

"Hindi ba ako namamalikmata, Jennifer? Parehos na parehos ang design ng sapatos na yon sa sapatos natin!"

Napanganga rin si Jennifer nang ma realize rin niya.

Pumunta kami sa mga kasamahan namin at maging sila ay napansin iyon.

Na diskubre namin na nai-hire sa company na yon ang dati naming head sa designing department. Kaya pala nag ka leakage ang designs namin!tsk.

"Good evening, ma'am Yu."--Sabi ng kasamahan ko nang may babaeng lumapit samin na naka suot ng business attire. Naka suot rin ito ng eye glasses. Matangkad ito dahil sa suot nitong stiletto heels. Naka pony tail ang itim niyang buhok. Nababalot ng light make up ang mukha niya.

Creepy Red String Attached [ C O M P L E T E D ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon