(WRITTEN SERIES #2)
Asoʼt pusa kung magbangayan sina Remi at Jago. Araw-araw may gera at walang nagpapatalo. Pero sa ilalim ng lahat ng ito, iisang nakaraan lang ang pilit nilang tinatakasan. Mareresolbahan ba nila ang kanilang mga problema? O sa hu...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Paano mo nga ba masasabi kung mahal mo ang isang tao?
Kapag ba gusto mo siyang makasama araw-araw?
Kapag ba sumasaya ka sa mga ngiti niya?
Kapag ba kahit wala siya, siya pa rin ang iniisip mo?
Sobrang daming nagsasabi na napakakomplikado ng pag-ibig.
Kung gaano ka raw naging kasaya nang dahil sa kaniya, ganoʼn din daw kung gaano ka magiging kalungkot kapag nasaktan ka niya.
Mahirap magmahal at maniwala sa pag-ibig, lalo naʼt alam mong masasaktan at masasaktan ka talaga.
Pero kaya mo bang maging matapang para sa taong mahal mo?
Kaya mo bang maging matapang para bigyan siya ng pangalawa o pangatlo o paulit-ulit na pagkakataon?
Kaya mo bang magpatawad?
Kaya mo bang makatanggap?
Kaya mo bang masaktan?
Makakaya ko ba lahat ng 'to para sa taong tinitibok ng puso ko?
~~~~~~
Authorʼs Note:
This is the revised version of this book. However, hindi ko na siya puspusang in-edit kasi baka magtagal na naman ako ng ilang taon (T›T) Expect typos na lang na baka nakaligtaan ko.