♪ pangarap lang kita - parokya ni edgar ♪
REMI
"PAGPASENSYAHAN mo na 'yon, ha? 'Di ko rin alam kung bakit nagkaganoʼn ang isang 'yon, eh," paghingi ko ng tawad kay Jeo habang pinagmamasdan ang mga sugat niyang ginagamot ni Mary Ann.
"Ano ba kasi talagang nangyari? Gago 'yong si Jago, pero hindi 'yon biglang susugod na lang ng walang dahilan," tanong ni Mary na kanina pang nakikipagtalo kay Jeo dahil sa paglilinis niya sa mga sugat nito.
Imbes na matuloy kami ni Jeo sa pupuntahan namin, dito kami dumiretso sa clinic kung saan nagtatrabaho si Mary bilang assistant nurse. Kanina pa pinipilit ni Jeo na okay lang siya pero 'di siya nakapalag sa 'kin nang sabihin kong kailangan naming ipagamot ang mga natamo niyang sugat dahil kay Jago.
"Anong 'hindiʼ?! Eh kakagawa niya nga lang, eh!" Medyo nagpalakas ang boses ko kung kayaʼt napatingin sa 'kin ang dalawa. "Wala namang ginagawang masama si Jeo sa kaniya! Bigla lang siyang dumating nang mag-uusap dapat kami. Pero hindi naman sapat na dahilan 'yon para bigla na lang siyang manapak, 'di ba? Ano siya?! Bata?!"
"Ineng... Kalma lang, ineng. Wala dito ang kaaway mo," giit ni Mary kung kayaʼt napabuntong-hininga na lang ako dahil sa inis.
"Heʼs acting like a brat again. Depota! Bente-kwatro na siya pero para pa rjn siyang bata kung umasta!" Minasahe ko ang mga kamao ko para mailabas ang pagkabwisit ko. "Kung 'di ba naman siya gago, bigla ba namang manapak. Ampota! Hindi man lang nagbigay ng warning. Mukha bang nag-apply si Jeo para maging punching bag niya. Potangina!"
"Hoy! Manahimik ka nga dʼyan. Pinagtitinginan ka na, oh!" saway ni Mary kung kayaʼt napatingin ako sa paligid. Napatikom ng bibig nang makitang kunot-noo at halos magkasalubong na ang kilay ng ilang mga nandito sa clinic habang nakatingin sa 'min. Nag-peace sign na lamang ako sa kanila.
"Wow... Ako 'yong sinapak pero parang ikaw pa ang mas galit, ah?" sabi ni Jeo na nag-uurong-sulong ang mga labi na para bang pinipigilan niyang mapangiti at matawa.
"Naglalabas lang 'yan ng sama ng loob. 'Lam mo na, post break up symptoms." Nagtaas-baba ang mga kilay ni Mary kung kayaʼt pinanlisikan ko siya ng mata.
"I thought they weren't 'itʼ?" kunot-noong tanong ni Jeo. Kahit ako, nagkasalubong ang mga kilay. Anong 'itʼ? Teka... Pinagtsi-chismisan ba nila ako ni lecheng Mary-na-walang-panty?!
Umiling si Mary habang nililigpit ang mga ginamit niya para linisin ang mga sugat ni Jeo. "Oo, hindi nga naging sila. Pero 'di naman ibig sabihin noʼn na hindi niya minahal, 'di ba, ineng?"
Inirapan ko lang siya at tumingin sa ibang direksyon. Depota! 'Yong pagsuntok ni Jago kay Jeo ang usapan kanina, ah? Baʼt biglang napunta sa 'ming dalawa ng demonyong unggoy na 'yon?!
"To be honest, I did notice that they were a bit distant to each other a few months back — Actually, two years ago ever since..." Bumaling sa 'kin ang tingin ni Jeo at bumuntong-hininga. "What happened?"
BINABASA MO ANG
This Written Love Story
Novela Juvenil(WRITTEN SERIES #2) Asoʼt pusa kung magbangayan sina Remi at Jago. Araw-araw may gera at walang nagpapatalo. Pero sa ilalim ng lahat ng ito, iisang nakaraan lang ang pilit nilang tinatakasan. Mareresolbahan ba nila ang kanilang mga problema? O sa hu...