Chapter 9 ~ No going back

102 4 0
                                    

♪ hinahanap-hanap kita - rivermaya ♪

♪ hinahanap-hanap kita - rivermaya ♪

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

REMI

"BESHIEWAP! You know naman how much I love you, 'di ba? Remember that time pa nga na tumakas ako ng bahay nang midnight just to go to your mansion and be the first one to greet you happy birthday—"

"Yes, C. May gawa ako sa assignment natin sa Entrep. Iʼll let you copy it."

"Yey! Love you, Mommy!"

"Ikaw, Rems? 'Di ka kokopya? Rems? Rems!"

Nagising ako sa reyalidad na 'wag tayong mag-expect na aayos ang bansa natin kung mga palya ang hinahalal natin sa posisyon nang biglang pinitik ni Penny ang tenga ko. Napalingon ako sa kaniya at sinamaan siya ng tingin ngunit ngumiwi lang siya habang si Cora naman na nasa tabi niya ay napahagikhik.

"Lutang, as usual." Umiling-iling si Penny na para bang dismayado siya sa mga desisyon ko sa buhay. Same, bruh.

Nag-make face lang ako at nagpatuloy sa paglamon ng binili kong pagkain dito sa cafeteria. Kaming tatlo lang ang nandito ngayon dahil nasa training pa sina Clifford at ang unggoy. Balita ko ay naghahanda rin ang mga ito dahil sila ang mga leader ng kaniya-kaniya nilang team sa Intramurals next week.

"Penelopota, matakot ka talaga kapag lumutang ako. Talagang makakatikim ka sa 'kin ng libreng skydiving kung sakali," pasaring ko.

Inirapan lang ako ni Penny. "Nagawa mo na ba 'yong assignment natin sa Entrep?"

"May assignment?" Napakunot-noo ako.

Napahalakhak naman si Cora na kasalukuyang nagsusulat. Si Penny naman, napa-facepalm na lang. Potangina, ano ba?! 'Wag nila akong tratuhing tanga dahil lang sa bobo ako!

"Patingin na lang ng sa iyo. 'Di ko kokopyahin, promise! Kuha lang ako ng inspirasyon," sabi ko at ipinagdampi pa ang mga palad ko.

Inirapan lang uli ako ni Penny. "Nakay Cora 'yong akin. You can copy it. Ibahin mo lang 'yong mga word para hindi halata."

"Tawa-tawa ka dʼyan tapos wala ka rin palang gawa!" duro ko kay Cora. Tinawanan niya lang ako at nagpatuloy sa pagsusulat — este pagkopya pala sa assignment ni Penelopota. Naglabas na lang din ako ng yellow pad at nakikopya.

Ilang araw na rin ang nakalipas magmula nang mangyari 'yong insidente sa bodega sa third floor. Hindi na namin pinag-usapan pa ni Jago ang tungkol doon. Buti na lang din at hindi niya na rin sinubukang i-bring up iyon dahil paniguradong lalo lang kaming magiging awkward.

Mas mabuti nang ganito... Ayokong maapektuhan pa ang buhay ko ngayon nang dahil lang sa masasakit na alaala ng nakaraan. Hanggaʼt kaya ko, hindi na ako babalik.

Hinding-hindi na.

"By the way, ano nga palang team ninyo sa Intrams?" tanong ni Penny sa amin. Tapos na si Cora sa pangongopya habang ako, abala pa rin sa pag-iiba ng mga salita para hindi mapansin ng teacher namin ang pinagbabawal naming teknik.

This Written Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon