REMI
"REMIBABES, kumusta ka na dʼyan?"
Pabirong napairap na lang ako nang marinig ang pang-aasar ni Cora. Kung hindi lang ako mabait na nilalang, baka naihulog ko na siya sa hagdan kasama ng wheelchair na sinasakyan niya.
"'Wag mo nga 'kong anu-anuhin dʼyan!" Inayos ko ang suot-suot niyang kulay red na beanie. "Sigurado ka na ba talaga na okay ka nang lumabas?"
Tumango-tango naman siya na parang isang bata. "Yes, yes, yes! The doctor said na okay lang na lumabas-labas na ako. Iʼm 69% okay!"
"Bakit talagang 69 pa?" nakangiwi kong sambit. Napakunot-noo naman siya na para bang naguguluhan kung kayaʼt umiling na lamang ako. Masyado 'tong inosente.
"Sigurado ka bang okay lang ang pakiramdam mo? Baka naman bigla kang mahimatay sa road trip niyo ni Mason next week," paalala ko sa kaniya.
Ipinaalam kasi siya ni Mason na magro-roadtrip muna silang dalawa. Pagkatapos malahad ang balitang umaayos na ang lagay ni Cora, gusto muna itong ilabas ni Mason. Hiling na rin ni Cora 'yon dahil ilang buwan na rin siyang nandito lang sa ospital.
"Remibabes! Iʼm strong na, oh!" pagmamayabang niya at flinex pa ang muscle-kuno niya.
"Tanga! 'Di ka si Saitama," sabi ko na lang dahilan para mapa-pout siya.
"Lagi mo na lang akong inaaway. Hindi naman ako si Jago," nakanguso niyang reklamo.
"Well, natural na 'pag nang-aaway ako. Itʼs either mahal kita o gusto kitang ingudngod sa inidoro," pagdadahilan ko sabay kibit-balikat.
Biglang nagliwanag ang mukha niya. "Yieee! So, mahal mo kami?"
Naramdaman ko ang biglang pamumula ng mga pisngi ko. Umiwas na lang ako ng tingin pero patuloy lang ang depota sa pang-aasar sa 'kin na sinamahan niya pa ng pagsundot sa tagiliran ko.
Dahil alam kong hindi niya ako titigilan, pinigilan ko ang kamay niyang sundot ng sundot sa tagiliran ko at hinarap siya. "Oo na! Mahal ko kayo. Saya ka na?" pasaring ko at sarkastikong ngumiti.
Humagalpak naman siya ng tawa. "Youʼre blushing, Remibabes!"
Napatakip na lang ako ng mukha ko. Depota! Kaya ayokong nagsasabi ng nararamdaman ko, eh. Nakakahiya! Gusto kong magpalamon sa langit!
Pero hindi ko rin maiwasang mapangiti habang naririnig ang tawa ng kaibigan kong pilit tinatanggal ang mga kamay kong nakatakip sa mukha ko.
Ang sarap din palang sabihin 'yong totoo mong nararamdaman, 'no?
Siguro nga, kailangan talaga nating sabihin sa mga taong mahahalaga sa 'tin na mahal natin sila bago nila tayo iwan nang tuluyan. Dahil hindi mo naman alam kung kailan darating ang panahon na kailangan na nilang umalis. Tanging ang mga alaala niyo na lang ang mapanghahawakan mo oras na ma-miss mo sila.
BINABASA MO ANG
This Written Love Story
Подростковая литература(WRITTEN SERIES #2) Asoʼt pusa kung magbangayan sina Remi at Jago. Araw-araw may gera at walang nagpapatalo. Pero sa ilalim ng lahat ng ito, iisang nakaraan lang ang pilit nilang tinatakasan. Mareresolbahan ba nila ang kanilang mga problema? O sa hu...