(WRITTEN SERIES #2)
Asoʼt pusa kung magbangayan sina Remi at Jago. Araw-araw may gera at walang nagpapatalo. Pero sa ilalim ng lahat ng ito, iisang nakaraan lang ang pilit nilang tinatakasan. Mareresolbahan ba nila ang kanilang mga problema? O sa hu...
WARNING: This part of the story may contain mature and disturbing themes not suitable for young audiences.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
REMI
ILANG buwan na ang lumipas simula nang umalis si Moose. Tuwing may free time siya, doon niya kami tinatawagan. Binalitaan niya kami na magkakasama silang nakatira sa isang apartment ng mga kaibigan niya noong pagkabata; sina Nilo at Orange. Nagsimula na rin ang first semester nila sa Valle Sella University o VSU kung kaya't tuluyan na rin siyang na-busy.
Noong una, halatang hindi bukal sa puso ng mga magulang namin na mamuhay siya nang mag-isa. Pero syempre, lumalaki na kami. Kung 'di nila kami pakakawalan, hindi kami matututo. Buong buhay namin nila kami inalagaan at ngayon na ang tamang oras para tumayo kami sa sarili naming mga paa.
Pero syempre, nakakalungkot din naman talaga. Kahit ako nga, hindi ako sanay na gumising na hindi mukha ni Moose ang bubungad sa 'kin. I miss my little braderpaker, but I'm proud of him. Masaya na ako basta't masaya siya sa buhay niya ngayon.
"Mary, bilisan mo naman! 'Pakabagal ng depotang 'to. Kitang ang init-init, eh!" bulyaw ko kay Mary na nahuhuli sa paglalakad. Nandito kami ngayon sa downtown para bumili ng mga decoration sa gaganapin na annual school festival ng university. Dahil ginawa siyang requirement ng professor namin, wala na kaming ibang nagawa kundi sumunod.
"Teka lang kasi! Ang hirap kayang maglakad nang naka-heels!" reklamo naman ni Mary sa 'kin. Naglaro kasi kaming magkakaibigan kahapon. Ang matalo, bibigyan ng dare. Nagkataon namang natalo si Mary kaya naisipin kong i-dare siyang magsuot ng heels ngayon kung kailan saktong may lakad kami. Promise, minsan na lang ako mandemonyo ngayon.
Maliban sa 'ming dalawa, kasama rin namin sina Penny at Cora dahil nautusan din silang bumili. Naghiwalay lang kaming apat no'ng nakarating kami dito sa downtown. Hinati namin ang listahan ng mga bibilhin para mas mabilis kaming matapos.
Tumigil muna ako sa paglalakad at hinintay ang kasama kong mukhang hirap na hirap na sa suot niyang heels. Siraulo kasi. Lakas ng loob maglabas ng +2 sa UNO, ayan tuloy, pinagbabagsakan namin ng +4. 'Kala niya, ha!
Nang makahabol na sa 'kin, pumasok muna kaming dalawa sa loob ng isang supermarket. Nagpalamig muna kami sa loob at bumili ng maiinom.
"Pucha! Sakit na ng paa ko! 'Pag talaga ako na-sprain, lagot ka sa 'kin." Isinandal ni Mary ang likod niya sa pader. "'Nga pala, kailan ulit 'yong festival?"
"Sa Friday," sagot ko naman. Miyerkules na ngayon kung kaya't may dalawang araw na lang ang student council, kung saan VP si Penelopota, sa pag-aayos ng gaganaping event.
"'Di ba pwedeng magdala ng outsider?" tanong uli ni Mary Ann.
Tumango ako. "Oo. Sabi ni Penny, allowable naman as long as may valid ID at kilala siya ng isang estudyante mula sa univ." Ininom ko ang binili kong lata ng soft drink at nang maubos, itinapon ko ito sa malapit na basurahan.