Chapter 37 ~ The night to remember

93 4 0
                                    

REMI

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

REMI

Makalipas ang ilang araw...

"PAMANGKS! Bagay pala sa 'yo ang ganʼyang kulay? Ang ganda mo!" puri ni Tita Mommy sa 'kin nang makita niya akong suot ang kulay pink na gown na binili ni Penny para sa 'kin.

Mabilis na lumipas ang mga araw hanggang sa hindi na lang namin namalayan na ngayong gabi na pala ang engrandeng debut ni Penny. At dahil 'di ako nakatanggi sa matindihang offer niya sa 'kin kung saan may sarili akong buffet sa party niya, wala na akong nagawa pa nang ipadala niya dito sa bahay ang binili niyang gown na susuotin ko ngayon.

Kulay pink — as in, pink na pink talaga. Simple lang ito pero masasabi kong malakas ang dating. Medyo kita rin ang balat ko dahil backless ito kung kayaʼt hindi ako pwedeng magpaka-siga mamaya kundi baka mahubaran pa 'ko. All in all, komportable naman ako sa suot ko dahil hindi makati ang tela nito. Say 'salamat, Penelopota!ʼ

Habang pinagmamasdan ang sarili ko sa malaking salamin, sinamaan ko ng tingin si Moose nang makita ko ang repleksyon niya na nagpipigil ng tawa.

"Tinatawa mo dʼyan, Musiko, ha?!" Lumingon ako sa direksyon niya at mas lalo ko siyang sinamaan ng tingin nang tuluyan na siyang tumawa. All out kung all out ang panti-trip sa 'kin ng depota. Napakasakit!

"Hindi naman Wednesday pero bakit pink na pink ka?" Humagalpak ng tawa si Moose habang hawak-hawak ang tiyan niya. Depota!

"Pakyu!"

"'Di mo lang gets, eh."

"Na-gets ko 'yong reference, tanga! Sadyang 'di lang nakakatawa kapag sa 'yo galing!"

Binelatan niya lang ako dahilan para mapabuntong-hininga na lang ako. Buti na lang at hindi na 'to sumama kahit iniimbita siya ni Penny. Baka ma-salvage ko pa 'to nang wala sa oras, eh.

Inirapan ko lang siya at muling pinagmasdan ang repleksyon ko sa salamin. Hindi ako sanay na makitang ganito ang sarili ko, pero kahit papaano, masasabi ko namang komportable ako, at sapat na 'yon para sa 'kin.

"Doremi! Nandito na si Jago!" Umalingawngaw ang sigaw ni Mama mula sa first floor. Dali-dali naman kaming bumaba nina Tita Mommy at Moose. Muntik pa akong mahulog sa hagdan dahil hindi ako sanay na magsuot ng heels.

Pagkababa namin, hindi ko mapigilang mailang nang tingnan ako nina Mama, Jago, at Papa. Halos bumuka na ang mga bibig nila habang nakatingin silang lahat sa akin. 'Di ko alam kung namangha ba sila sa itsura ko o pinagtatawanan na nila ako sa isip nila. Depotangina!

Bumaling ang tingin ko kay Jago at hindi ko maiwasang mapalunok habang pinagmamasdan siya. Nakasuot siya ng navy blue na tuxedo at itim na necktie. Masasabi kong bagay sa kaniya ang suot niya, lalo naʼt nakaayos din ang buhok niya.

Labag man sa loob ko... Oo, mukha na siyang tao — Depota! Oo na! Ang pogi niya! Punyeta marimar!

"Napakaganda ng anak ko! Nakakaiyak!" Ma-dramang lumapit sa 'kin si Mama at niyakap ako. 'Di ko alam kung sarcastic ba 'yong pagkakasabi niya o ano, eh.

This Written Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon