REMI
"JUSMIYO marimar! Anoʼng nangyari dito?!"
Nagising ako nang marinig ang isang pamilyar na boses na sigaw ng sigaw. Kinusot-kusot ko ang mga mata kong nakatingin kay Kuya Ger na siyang sumisigaw habang nakatayo sa may bandang pintuan. Nasa sahig ang mga plastic bag na hula koʼy mga dala niya.
"Kuya! Ingay mo! Parang tanga!" sigaw pabalik ni Jago, medyo tulog pa ang diwa.
Nakita ko kung paano kumislot-kislot ang kaliwang mata ni Kuya Ger habang nakatingin sa 'ming dalawa ni Jago na nakahiga sa iisang kama. Problema ba nito? Alam kong medyo hindi makatarungan na ito ang bubungad sa kaniya pagpasok niya dito, pero parang 'di niya naman kami kilala. Hindi naman kami gagawa ni Jago ng kung anong kapakshetan.
"Mali ka ng iniisip, Kuya," pagkaklaro ko at napahikab pa nang wala sa oras. Hayop talaga 'tong si Kuya Ger. Kulang pa naman ako sa tulog. Sa tantya ko, alas-tres na kami ng madaling araw nakatulog ni Jago. Teka, anong oras na ba?
"Hoy, Jaguar! Bumangon ka dʼyan kundi isusumbong kita kay Ate! Hindi ibig sabihin ng Bagong Taon ay bagong pamangkin, ha! Jusmiyo! Maawa kayo sa 'kin! Wala akong maipapamasko!"
Ibinato ni Kuya ang hawak niyang tsinelas sa kapatid niya. Tuluyan namang nagising ang katabi ko at tinakluban ang sarili niya ng kumot bago pa siya matamaan nito.
Bigla kong naalala ang usapan naming dalawa ilang oras na ang nakakalipas.
Tangina. Kung hindi lang nagkagulo-gulo, edi balak pala niyang mag-celebrate ng Bagong Taon nang mag-isa? Kung sinabi niya sa 'kin noon pa, edi sana, inimbitahan ko siya sa bahay, tutal hindi naman na siya naiiba pa doʼn.
Sa isang iglap, bumalik sa isip ko ang mga nangyari sa kagabi sa bahay namin.
Nagbalik na siya... Pagkatapos ng higit isang dekada, nagbalik na siya. Tinupad nga niya ang pangako niya sa 'kin, pero huli na ang lahat.
"Kulit mo, Kuya! Napaka-aga mo namang pumunta dito! Akala ko, sa makalawa ka pa pupunta dito?! Bakit nandito ka na agad?!" Marahas na napakamot si Jago sa ulo niya. Halos magmukhang pugad ng ibon ang magulo niyang buhok pero aamimin ko, ang gwapo niya pa rin. Yak! Depota! Umagang-umaga, Remi!
Sa isang iglap, may lumipad na namang tsinelas na saktong tumama sa pagmumukha ni Jago. Napatingin ako kay Kuya Ger na pinanlilisikan siya ng mga mata.
"Hilamos lang ako. Patuloy niyo lang ang bugbugan." Bumangon na ako at dumiretso sa banyo. Rinig na rinig ko ang sigawan nilang dalawa kahit nakapasok na ako sa loob.
Pinagmasdan ko ang sarili sa kaharap kong salamin. Depota. Mukha akong zombie na kakagaling lang sa ilalim ng hukay. So kewl!
Pagkatapos maghilamos, bumalik na ako sa kwarto at naabutan ang magkapatid na nagbubugbugan. Hineadlock ni Kuya Ger si Jago at paulit-ulit itong kinutusan dahilan para halos magtitili ang unggoy habang todo pilit na kumakawala sa bagsik ng kuya niya.
BINABASA MO ANG
This Written Love Story
Teen Fiction(WRITTEN SERIES #2) Asoʼt pusa kung magbangayan sina Remi at Jago. Araw-araw may gera at walang nagpapatalo. Pero sa ilalim ng lahat ng ito, iisang nakaraan lang ang pilit nilang tinatakasan. Mareresolbahan ba nila ang kanilang mga problema? O sa hu...