♪ antukin - rico blanco ♪
REMI
"REMS, what are you thinking about?"
Nagising ako sa realidad na pangit si Moose nang bigla na lamang akong tinapik ng katabi ko. Lumingon ako at nakita ang nakangiwing mukha ni Penny
"Oo naman!" Tumango-tango ako at pumilit ng tawa. Shit! Natulala na naman ako kakaisip kay Jago! Pero depota, bakit ko ba naiisip ang unggoy na 'yon? May utang siguro 'yon sa 'kin!
Mas lalong napangiwi lamang si Penny at nag-facepalm. "Oh my Gucci... Lutang ka na naman. Youʼre probably thinking about Jago again, huh?"
"H-Hindi, ah! Sinisiraan mo na naman ako, Penelopota. Kulang ka ba sa pansin ni Sid kaya ka ganʼyan," pang-aasar ko na lang sa kaniya para hindi niya mapansing medyo delikado ako sa sinabi niya. "Manahimik ka nga. Nakikinig 'yong tao, eh. Daldal ka nang daldal."
Tinaasan lang ako ng kilay ng bruhilda. "Really? Ikaw? Nakikinig sa lesson?"
Napabuntong-hininga na lang ako. "Dejoke lang. Wala rin akong maintindihan," pag-amin ko at natawa nang mahina. Depota kasi.
"Youʼve been spacing out lately, more than usual. Ano ba kasing iniisip mo?" tanong uli ni Penny at napahawak sa baba niya habang nakatingin sa 'kin.
Iniisip ko paano uunlad ang bansang 'to kung may mga taong katulad ni Jago. Dejoke lang! May purpose naman ang pagkabuhay ng matsing na 'yon. 'Di lang ako sure kung mahalaga ba o ano. Joke lang ulit!
"Kapag ba hinintay mo 'yong waiter, ikaw na ba 'yong magiging waiter kapag ganoʼn?" tanong ko.
Napangiwi si Penny. "Sabi ko nga, hindi na kita tatanungin," giit niya at itinuon na ang atensyon niya sa teacher namin. Galing ko talaga! Mwahaha!
"Maʼam, time na!" Biglang umalingawngaw ang boses ng isa naming kaklase dahilan para magtayuan na kaming lahat sa room. Pinaalala lang sa 'min ng teacher namin ang homework na pinapagawa niya bago kasing-bilis ni Sonic the Hedgehog na lumayas. Mas atat pa yata siyang makaalis kesa sa 'min, eh.
Habang nag-aayos ng gamit, bigla kong naramdaman na may tumayo sa harapan ko kung kayaʼt nagtaas ako ng tingin. And in that moment, I knew, I fucked up.
Joke lang.
"Kain na tayo. Gutom na ako," ungot ni Jago. Mukhang nagpapa-cute, akala mo naman cute. Medyo lang... Ah, watdapak ka, Remi!
Lumingon ako at nakita na dali-dali nang nagtatakbo si Penny palabas ng room. 'Di man lang ako hinintay ng depota. Napakasamang nilalang!
"Edi kumain ka. Cafeteria ako, ghorl?" pasaring ko habang patuloy sa paglalagay ng mga gamit sa bag ko.
"Dami mong say. Tara na kasi!" Kinuha niya ang kamay ko at ini-swing ito. Ampota 'tong unggoy na 'to! Walang sisihan kapag nasapak ko na naman ang animal na 'to!
BINABASA MO ANG
This Written Love Story
Teen Fiction(WRITTEN SERIES #2) Asoʼt pusa kung magbangayan sina Remi at Jago. Araw-araw may gera at walang nagpapatalo. Pero sa ilalim ng lahat ng ito, iisang nakaraan lang ang pilit nilang tinatakasan. Mareresolbahan ba nila ang kanilang mga problema? O sa hu...